Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hepe ng sanitary landfill na si rosy castillo, nagpasalamat sa iba’t-ibang organisasyon at samahan na nakiisa sa unang araw ng linggo ng lucena

Lubos na ikinatutuwa ng hepe ng sanitary landfill na si rosy castillo ang pakikiisa ng iba’t-ibang organisasyon, samahan, sektor at ilang...


Lubos na ikinatutuwa ng hepe ng sanitary landfill na si rosy castillo ang pakikiisa ng iba’t-ibang organisasyon, samahan, sektor at ilang mga tanggapan sa lokal na pamahalaan para sa isinagawang kick-off activity ng linggo ng lucena na idinaos sa sanitary landfill ng lungsod kamakailan.

Sa isang eksklusibong panayam ng tv 12 kay castillo, nagpahayag si castillo ng pasasalamat sa lahat ng mga tao, organisasyon at tanggapan na nagtulong-tulong maging matagumpay lamang ang nasabing aktibidad. Ibinahagi nito na sa loob umano ng mahigit dalawang dekada , ang ngayong malinis at maayos na sanitary landfill ay  dating open dumpsite na lubos na nagdala ng panganib sa mga kalusugan hindi lang ng mga garbage collectors kundi pati na rin sa mga residenteng nakatira sa palibot nito.

Kaya’t bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa sipag at dedikasyon ng mga sanitary landfill personels maisaayos lamang ang problema ng lungsod sa basura, ikinatutuwa ni castillo na ang mga personel at ang pamilya ng mga ito maging ang ilang mga residente na  nakatira sa baybaying lugar  ng silangang mayao ay nagsilbing mga benepisyaryo ng iba’t-ibang organisayon at samahan sa lungsod na nagbahagi ng kanilang mga  biyaya.

Ayon kay castillo, hindi lang basta maayos na sanitary landfill ang plano nila para dito kung kaya’t patuloy umanong nagtutulong-tulong ang mga kawani ng kanilang opesina upang mas maisaayos  at mas mapaganda pa ang sanitary landfill.

Sa katunayan, ilan lamang sa mga proyektong naisagawa na nila upang mas pagandahin ang sanitary landfill  ay ang paglalagay ng mini eco park , pagtatanim ng iba’t-ibang puno at namumulaklak na halaman , paglalagay ng sariling materials recovery facility, at paggawa ng mga eco-bricks.

Ilang buwan na rin nilang ipinatutupad  ang no waste segregation, no waste collection policy  sa mga barangay sa poblacion.

Sa tulong rin umano ni konsehal anacleto alcala iii na chairman ng committee on environmental protection and management ay unti-unti na nilang pinasisimulan ang paglalagay ng mga eco-aide at eco police sa mga barangay sa poblacion.

Inamin ni castillo na hindi naging madali para sa kaniya ang mandatong iniatang ni mayor dondon alcala bilang hepe ng sanitary landfill.  Ngunit sa tulong umano ng  buong suporta ng alklade sa mga proyekto ng kanilang opesina gayundin sa sipag at diterminasyong ipinapakita ng  mga kasamahan niya sa kanilang tanggapan, sa loob aniya ng 6 na buwan, ang dating dumpsite na nakapeperwisyo sa mga mamamayan, ngayon ay isa nang sanitary landfill na maipagmamalaki ng mga lucenahin. (pio lucena/c.zapanta)


No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.