Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ika-12 blood letting activity ng club 1925 alpha phi omega, matagumpay na isinagawa

Upang makatulong sa mas maraming mamamayan na nangangailangan ng dugo, matagyumpay na isinagawa ng club 1925 alpha phi omega sa pangunguna ...

Upang makatulong sa mas maraming mamamayan na nangangailangan ng dugo, matagyumpay na isinagawa ng club 1925 alpha phi omega sa pangunguna ng presidente nito na si rod calayan ang ika 12 leg ng  kanilang blood letting activity kamakailan.

Ayon kay calayan, hindi  lingid sa kanilang kaalaman na mataas ang demand, pero kakaunti ang supply ng dugo sa mga hospital sa pilipinas. Tinatayang aabot sa dalawang libo at limang daan hanggang tatlong libong unit ng dugo ang kinakailangan araw-araw para mapunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa sa dugo.

 Dahil dito,  naisipan ng kanilang samahan na makipagtulungan sa iba’t-ibang organisasyon sa lungsod gaya ng rotary club district 3920 at rotary club lucena central , mga kapatiran sa alpha phi omega at  scout royal brothers,  upang  magsagawa ng blood drive na may layuning makapagbigay ng dugo at pag-asa  sa napakaraming nangangailangan nito.

Simula umano nang isagawa nila ang nasabing aktibidad noong enero ng kasalukuayng taon, plano nila na  4 na beses lamang sa  isang taon gawin ang ganitong aktibidad at  1000 katao lamang ang target nilang donors,  ngunit nang  makita nilang marami ang may mabuting kalooban at handang magboluntaryo, ipinagpatuloy na nila ito. Sa katunayan, dahil nasa 3rd quearter pa lamang ng taon, maari umanong abutin ng ika-20 leg ang kanilang  blood letting activity ngayong taon.

Dagdag pa nito, nagsagawa umano sila ng memorandum of agreement sa philippine red cross quezon chapter na sa bawat idodonate na dugo ng isang indibidwal, sakaling ang mga ito naman ang mangailangan ng dugo sa hinaharap, maaari ng mga itong  i-avail nang libre ang 20 porsyento ng dugo na kanilang naidonate.

Nagpahayag ng pasasalamat si calayan sa philippine red cross na nakipagtulungan sa kanila  at sa lahat ng mga lucenahing may mabuting kalooban at nakiisa sa kanilang aktibidad.

Maaring maging volunteer at  magdonate ng dugo ang sino mang nasa  edad 16 hanggang 65 taong gulang. Kung nais namang magdonate ng mga nasa edad 16 at 17 taong gulang pa lamang, kinakailangan na may written consent ng magulang o guardian. Hindi rin dapat bababa sa limampong kilo ang timbang, walang malubhang sakit tulad ng cancer at dapat na  hindi anemic.

Hindi naman ipinagbabawal na magdonate  ang mga may tattoo o hikaw basta’t nakalipas na ng 12 buwan simula nang huling nagpalagay nito.

Maaari ring  magbigay ng dugo ang mga bagong nanay na lampas na sa 6 anim na buwan matapos na manganak habang dapat  at isang taon naman ang pagitan kung sumailalim sa operasyon ang isang kakapanganak pa lamang na ina o mga pasyente.

Ang pagbibigay ng dugo ng isang blood donor ay maaaring makatutulong sa pagsalba ng buhay ng 1 hanggang 3 katao kung kaya’t patuloy na hinihikayat ni calayan ang sino mang nais na magboluntaryo at makapagbigay ng karagdagang buhay sa taong nangangailangan ng dugo na samahan  silang magsilbing pag-asa sa buhay ng marami. (Pio lucena/c.Zapanta)



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.