Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang naturang aktibidad na ginanap sa Ilayang Dupay Elementary School na kung saan ay nak...
Kasabay ng pagdiriwang sa iba’t-ibang lugarsa ating bansa, nakiisa sa isinagawang selebrasyon ng paggunita ng ika-140 taon ng kapanganakan ni Manuel Luis Quezon ang pamahalaang panlungsod ng Bagong Lucena.
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang naturang aktibidad na ginanap sa Ilayang Dupay Elementary School na kung saan ay nakasama niya dito ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Philip Castillo.
Lucena City Vice Mayor Philip Castillo |
Maging ang ilang mga kapitan ng barangay at mga kagawad ng mga ito ay nakibahgi rin sa pagseselebra ng nabanggit na pagdiriwang.
Nakiisa rin sa isinagawang selebrasyon ang ilang mga department heads at kawani ng city government gayundin ang ilang mga nasyunal na ahensya na kinabibilangan ng Lucena City PNP, BFP-Lucena, BJMP, mga guro mula sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa lungsod, Sacred Heart College, Pacific Mall-Lucena, at ilang mga private organizations.
Naging panauhing pandangal naman sa nabanggit na aktibidad si dating Department of Agriculture Secretary Engr. Proceso “Procy” Alcala.
Sa naging daloy ng programa dito, sinimulan ito sa pamamagitan ng isang misa na dinaluhan ng mga nabanggit na personalidad.
At matapos ang misa, isinunod na dito ang promal na programa na kung saan ay nagbigay ng kaniyang mensahe si Mayor Dondon Alcala.
Sa naging pananalita ng alkalde, kaniyang sinariwa ang ilang mga mahahalagang bahagi ng buhay ni dating presidente Manuel Luis Quezon.
Pinasalamatan rin ng punong lungsod ang guest speaker sa nasabing pagdiriwang na si dating DA Secretary Procy Alcala sa pagdalo nito sa naturang aktibidad.
At matapos na makapagsalita ang punong lugnsod ay ipinakilala naman ni City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. ang panauhing tagapagsalita na si Engr. Procy Alcala upang ibahagi nito ang kaniyang mensahe s lahat ng dumalo dito.
Sa naging mensahe ni dating DA Sec. Alcala, sinabi nito na sa tuwing magpupunta siya noon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at maging sa ibang bansa man ay kaniyang ipinagmamalaki ang kagalingan na nagawa ng anak ng lalawigan at dating presidente na si Manuel Quezon na hindi lamang aniya sa kagandahan ng probinsya kundi maging sa mga aral nito sa kaniyang mga kababayan.
Nagbigay tagubilin rin si Engr. Procy Alcala sa lahat ng mga magulangin na dumalo dito na panatilihin ng mga ito sa kanilang anak ngayon ang mga magagandang asal na itinuro ng mga nakatatanda at huwag aksayahin bagkus ay ituro rin ng mga ito upang gumanda ang kanilang kinabukasan at magkaroon ng paggalang sa iba.
At matapos ang kanilang pagbibigay ng mensahe ay isinunod na dito ang pag-aalay ng bulalaklak sa bantayog ni Manuel Luis Quezon na pinangunahan nina Mayor Dondon Alcala at dating DA Secretary Procy Alcala kasama ang ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod gayundin ang lahat ng mga dumalo dito.
Ang isinagawang pagseselebra ng ganitong uri ng okasyon ay bilang pagpapakita ng mga opisyales ng lungsod sa pamumuno ni mayor Dondon Alcala ng kanilang paggalang at pagpapahalaga sa lahat ng mga nagaawa ni manuel Luis Quezon para sa lalawigan at lalo’t higit sa ating bansa. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments