Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilan pang mga lucenahin, nabigyan ng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod

Ilan pang mga lucenahin mula sa iba’t-ibang barangay ang napagkalooban ng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod kamakailan. Sa maikli...

Ilan pang mga lucenahin mula sa iba’t-ibang barangay ang napagkalooban ng salamin sa mata ng pamahalaang panlungsod kamakailan.

Sa maikling paghihintay ng mga benepisaryo ng salamin sa mata ay dumating na si mayor roderick “dondon” alcala at personal na ipinagkaloob ang naturang salamin sa mga ito kasama ang ilang staff ng city health office.

Ginanap ang nasabing pamamahaging ito ng eye glasses sa city mayor’s conference room sa bahagi ng lucena city government complex.

Ang pagbibigay ng salamin sa mata na ito ay proyekto sa ilalim ng bagong lucena health programa.

Na naglalayong mapatingnan ang mga mata ng pasyente at mabigyan ng tamang grado na naaayon sa kanilang paningin.

Isa lamang ang ganitong programa na makakatulong sa mga mamamayan lucenahin bukod dito ay mayroon din libreng operasyon para sa mga may catarata.

Di naman matatawaran ang ngiti ng mga nabiyayaan ito ng libreng salamin sa mata at nagpasalamat sila sa kabutihan loob ng punong lungsod.

At ang tanging hangad naman ng alkalde para sa mga mamamayan lucenahin na may nanglalabo ng mga mata ay mapalinaw ang paningin ng mga ito at maging maganda at maayos ang pamumuhay nila.

Sa huli ay nagpakuha ng litrato ang mga nabigyan ng eye glasses kay mayor dondon alcala. (Pio lucena/ j. Maceda).



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.