Isinagawa kamakailan ang isang oryentasyon para sa mga bagong empleyado ng pamahalaang panlungsod hinggil sa mga benepisyong maari nilang m...
Isinagawa kamakailan ang isang oryentasyon para sa mga bagong empleyado ng pamahalaang panlungsod hinggil sa mga benepisyong maari nilang makamtan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kanilang kinasasalihan.
Ang aktibidad ay ginanap sa 4th floor ng lucena city government complex sa pangunguna ng city human resources office na pinamumunuan ng acting head nito na si mary mitzi co.
Naging guest speaker sa naturang seminar ang mga kinatawan ng ilan sa philippine government-owned and controlled corporations o gocc kabilang si director jacinto mateo iii ng civil service commission quezon field office, myra lusterio ng government service insurance system o gsis, cynthia moreno at derrick dela peña ng pagibig fund lucena at gaila riano at ryan christopher olitoquit ng philhealth
Tinalakay dito ang iba’t ibang impormasyon hinggil sa mga nasabing ahensya gayundin ang mga benepisyo at pribelihiyo na ipinagkakaloob nila sa kanilang mga miyembro.
Binanggit din dito ang usapin tungkol sa republic act 8291 o retirement laws para sa mga empleyado na nalalapit na sa retirement age.
Nakinig at nakipagtalakayan naman ang mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento at opisina sa mga inilahad ng mga speakers.
Sa huli ay natapos ng matagumpay ang programa na nagbukas sa isipan at nagbigay ng kaalaman sa bawat isa hinggil sa kani-kanilang mga pribilehiyo na maaaring matanggap dito. (Pio lucena/ m.A. Minor)

No comments