Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Induction ng mga bagong halal na opisyales ng Rotary Club of Lucena South , matagumpay na isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang induction ceremony ng mga bagong opisyales ng isang kilalang samahan sa lungsod na ginanap sa Queen Margarette ...

Matagumpay na isinagawa ang induction ceremony ng mga bagong opisyales ng isang kilalang samahan sa lungsod na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa bahagi ng Brgy. Domoit.
Ang naturang samahan ay ang Rotary Club of Lucena South na kung saan ay nahirang na bagong president si Johhny Panganiban at pinalitan nito si outgoing president Jose Owen De Mesa.

Naging panauhing pandangal naman sa naturang okasyong ito si Senator Cynthia Villar na nagtungo pa ditto para lang sa naturang pagdiriwang.
Bukod kay Senator Villar, naging panauhin din dito sina dating Department of Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala at Mayor Roderick “Dondon” Alcala, na miyembro rin nang naturang samahan.

Sa naging takbo ng palatuntunan, nagbigay ng kaniyang mensahe ng pasaslamat si Senator Cynthia Villar sa ginawang pag-iimbita sa kaniya ng president ng grupo na si President Panganiban sa pagdiriwang na nabanggit.

Binati rin ng senadora ang lahat ng mga miyembro ng nabanggit na samahan na aniya ay kaniyang nirerespeto at hinahangaan lalo na ang dedikasyon ng mga ito pag-iimplementa ng kanilang programa at proyekto gayundin ang kanilang mga aktibidad na tunay na napapakinabangan ng mga mamamaya at nang komunidad.

At matapos ng naging mensahe ni Senator Villar, isang plake ng pagkilala ang ibinigay naman ng pamunuan ng Rotary Club of Lucena South ditto bilang pasasalamat at pagbibigay pagpapahalaga sa oras na ibinigay nito para sa kanilang okasyon.

Kasunod nito ay nagbigay naman ng kaniyang pananalita si mayor Dondon Alcala sa laaht ng mga dumalo dito.

Sinabi nito na natutuwa siya at naging parte ng samahang ito na aniya ay patuloy na tumutulong sa ating komunidad at mas itinataas pa ang antas ng pagtulong ditto.

Pinasalamatan ang samahan ng RC Lucena South na itinutiring niyang pangalawang tahanan ng kaniyang mga pangarap at hangarin para sa komunidad, at napabilang siya sa pagiging miyembro dito gayundin sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa lahat ng mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod.

Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa naturang okasyon ay upang ipakita sa lahat ng miyembro ng Rotary Club Lucena South ang kaniyang taus pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng bagong pamunaan ng nito gayundin ang pagsuporta sa lahat ng kanilang mga gagawing programa at proyekto ng kanilang samahan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.