Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 23rd police community relations month nitong nakalipas na buwan ng hunyo na may temang “tapat na serbisyo a...
Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng 23rd police community relations month nitong nakalipas na buwan ng hunyo na may temang “tapat na serbisyo at paglilingkod ng kapulisan kaagapay ang mamamayan, hatid ay kaunlaran”, matagumpay na isinagawa ang pagpupulong ng mga myembro ng lucena city advisory council o lcac kamakailan.
Sa pangunguna ni arnel avilla, na iniripresinta ang punong lungsod na si mayor dondon alacala na tumatayo bilang chairman ng nasabing ocuncil, matagumpay na idinaos ang joint advisory council and technical working group meeting kamakailan.
Kasama sa agenda para sa nasabing pagpupulong ang pag-aapruba ng mga resolusyon ng lupon, panunumpa ng mga bagong myembro ng konseho, pag-uulat ng kasalukuyang kalagayan ng katahimikan at kapayapaan sa lungsod, at pagprepresinta ng mga plano at programa ng lucena city police station upang mapanatili ito.
Pinasimulan ng hepe ng lucena pnp na si p/supt. Romulo albacea ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagpriprrisinta ng mga datos ukol sa mga naging accomplishments ng lucena pnp sa loob ng pitong buwan at una na rito ang matagumpay na kampanya ng polisya kontra iligal na droga.
Ayon kay albacea, simula noong buwan ng enero ng kasalukuyang taon , halos isang daan at tatlumpong operasyon na ang naisagawa ng kanilang grupo sa lungsod kung saan mahigit sa 30o na ang naaresto habang 12 naman ang nasawing suspect.
Dagdag pa nito, bagamat noong taong 2016 pa nagsimula ang kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga, nakalulungkot na magpasahanggang ngayon ay marami parin ang nahuhuling gumagamit at nagtutulak nito.
Isang patunay na dito ang naging resulta ng mga operasyon ng kanilang grupo sa loob ng 7 buwan kung saan bukod sa 900 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang milyon at 400 libong piso, halos dalawang-daan at limampung gramo na rin ng marijuana ang kanilang nakumpiska na umaabot sa dalawang daan at limpung libong piso naman ang halaga.
Ayon rin sa datos, pinakamaraming operasyon ang isinagwa ng kanilang grupo sa brgy. Cotta at brgy. Dalahican na hindi magiging posible kung wala ang tulong ng mga tipster na nakikipagtulungan sa kanilang tanggapan.
Kung ikokonsidera at ikukumpara umano ang ganitong accomplishment ng lucena pnp sa mga karatig bayan ng lungsod, maipangtatapat na ang mga accomplishment ng ahensya sa mga karatig na probinsya sa region 4. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments