Isa sa ipinagmamalaki ng barangay marketview sa pamumuno ni kapitan edwin napule ay ang pagkakaroon nila ng mahusay na pamamahala pagdating...
Isa sa ipinagmamalaki ng barangay marketview sa pamumuno ni kapitan edwin napule ay ang pagkakaroon nila ng mahusay na pamamahala pagdating sa usapin ng kaayusan sa pamayanan.
Bilang sila ang barangay sa lungsod ng lucena na nangunguna sa katarungang pambarangay na kinikilala ng mga iba’t ibang ahensya mapa lokal man o nasyunal pagdating sa pangangasiwa sa iba’t ibang aspeto ng pamumuno sa lebel ng barangay.
Matatandaan na ang marketview ay isa sa mga recipients ng lupong tagapamayapa incentives award sa buong rehiyong calabarzon na kung saan ay limang magkakasunod na taon nang pinaparangalan ang barangay sa regional level.
At tuloy tuloy na national finalist kalaban ang iba’t ibang mga highly urbanized cities sa bansa kabilang ang makati, davao, cebu, olonggapo at iba pa.
Ayon kay napule, bagamat ang barangay marketview ay finalist lamang sa nasyunal na kompetisyon, buong pusong ipinagmamalaki pa rin niya na ang barangay ay hindi nahuhuli sapagkat mataas ang posryentong nakukuha nito hinggil sa usapin ng pamamahala ng lupong tagapamayapa.
Lubos din nagpapasalamat si napule sa pamahalaang panlungsod lalo’t higit kay mayor dondon alcala na walang sawang sumusuporta at tumutulong sa lahat ng ikabubuti ng bawat barangay sa lungsod.
Sa katunayan aniya, maituturing na mapalad ang barangay marketview dahilan na din sa pagkakapanalo nila sa ltia ay nabibigyan sila ng oportunidad ng lokal na pamahalaan na makapaglakbay aral sa mga lupon sa iba’t ibang panig ng bansa na may best practices na maaari nilang matutunan tulad ng cavite, baguio, bataan at iba pa.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng barangay na mas ikauunlad pa ng kanilang katarungang pambarangay at ng iba pang programa para sa mga mamamayan. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments