Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kapitan reil briones, inihayag ang kanilang planong para sa kapayapaan at kaayusan ng pamayanan ng barangay talao-talao

Pagdating sa barangay talao-talao, masasabi ko na ito ay isang matahimik at mapayapang pamayanan, ito ang naging pahayag ni kapitan reil br...

Pagdating sa barangay talao-talao, masasabi ko na ito ay isang matahimik at mapayapang pamayanan, ito ang naging pahayag ni kapitan reil briones sa naging panayam sa kaniya ng tv12 kamakailan.

Ibinahagi din nito ang pagbubukas ng bypass road na maaring daanan mula barangay dalahican papuntang barangay talao talao, barangay mayao parade hanggang barngay mayao silangan palabas nng kabihasnan.

Aniya isa ito sa pinag-iisipan na agad niya ng plano sa kung paano mapapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang komunidad.

Bagamat sa kasalukuyan aniya ay hindi pa gaanong nagagamit o nadadaanan ang kalsada dahil sa patuloy pa ring tinatapos ito ay minamabuti na aniya ng sangguniang barangay ng talao talao na mag isip ng mga bagay na makakatulong dito.

Hindi rin nila ipinagwawalang bahala ang posibilidad na maaaring may pumasok sa kanilang barangay na hindi kilalang tao o mamamayang may masasamang motibo o ang kaganapan ng isang krimen at iba pa.

Binabalak nila aniyang maglagay ng outpost na tatauhan ng mga barangay tanod o mga kagawad na roronda at mangangasiwa sa katahimikan ng pamayanan.

Gayundin ay ang paglalagay ng mga cctvs sa kahabaan ng bypass road ngunit dahil sa hindi pa gaanong kaya aniya ng budget ng barangay ay naglagay na lamang muna sila ng mga solar street lights para magbigay liwanag sa lugar.

Patuloy namang nakaabang ang sannguniang barangay para sa mga bagay na kakailanganin pa at kailangan isagawa para sa pagpapanatili ng maayos na komunidad na kanilang pinamumunuan. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.