Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kick-off acitivity para sa linggo ng lucena 2018, matagumpay na idinaos

Sa pangunguna ng over-all chairman ng executive committee ng linggo ng lucena 2018 na si arween flores ay matagumpay na idinaos ang h...







Sa pangunguna ng over-all chairman ng executive committee ng linggo ng lucena 2018 na si arween flores ay matagumpay na idinaos ang hanay ng mga aktibidades para sa ‘tree planting plus’ sa unang araw ng isang linggong selbrasyon ng ika-57 taon ng linggo ng lucena.









Upang mas mapaganda pa ang sanitary ladfill, sa pangunguna ni mellissa letargo ay nag nagsamasama ang 500 patrisipantes mula sa iba’t-ibang organisasyon at sangay ng lokal na pamahalaan para sa tree planting acitivity.






Nagtipon-tipon ang mga myembro ng club 1925, rotary club of lucena south, the one and only bonafide ugat ng lucena, quezon provincial dental association,the original ugat lucena association incorporated, rotaract club of lucena south, philippine tongho institute, opisyales ng iba’t-ibang barangay, sk federation, lucena pnp, bureau of fire protection , department of interior and local government city cooperative, traffic aids tesda, at boyscout of the philippines upang magtanim ng mga fruit bearing trees, ornamentals at flowering plants gaya ng indian tree, neem tree pandakaki, ilang-ilang, guyabano, calamansi, at santan .






Bukod sa tree planting activity, may inihanda pang iba’t-ibang aktibidades ang lokal na pamahalaan gaya ng gift giving, feeding program, grooming, dental services, psychological development at storytelling activity para sa 95 mga empleyado ng sanitary landfill at mga pamilya nito.






Pinangunahan ng club 1925, the one and only bonafide ugat ng lucena, rotary club of lucena south, at philippine tong ho institute ang isinagawang gift giving sa mga kaanak ng sanitary landfill personels na may edad 1 hanggang 15 taong gulang.






Binusog rin ng the original ugat lucena association incorporated ang mga beneficiaries sa pamamagitan ng feeding program para sa mga bata at matatanda na hindi bababa sa 300 katao.






Pinangunahan naman ng mga myembro ng quezon provincial dental chapter at rotaract club of lucena south ang dental mission kung saan higit sa isang daang katao ang libreng nakapagpabunot ng ngipin at nabiyayaan ng mga dental kits.






Lubos namang nasiyahan ang mga kabataan sa psychological development at story telling acitivty na inihanda ng city health, rotary club of lucena south, at city library.








Tiyak na narelaks rin ang mga benepisyaryo sa libreng gupit at masahe na ibinigay ng mga estudyante ng tesda.






Kasama ang iba’t-ibang institusyon, non government organizations at ibang community-based organizations sa lungsod, inaasahan ng lokal na pamahalaan na tulad ng matagumpay na pagdaraos ng unang araw ng selebrasyon ng linggo ng lucena, magiging masaya at makabuluhan rin para sa mga lucenahin ang natitirang hanay ng mga aktibidades na inihanda ng pamahalaang panlungsod para sa mga ito. (pio lucena/c.zapanta)












No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.