Sa pamamagitan ng prebilehiyong talumpati na pinamagatang “ama ng pagiging lungsod ng lucena”, ipinaalala ni kon. Benny brizeula sa mga luc...
Sa pamamagitan ng prebilehiyong talumpati na pinamagatang “ama ng pagiging lungsod ng lucena”, ipinaalala ni kon. Benny brizeula sa mga lucenahin ang mahalagang papel na ginampanan ni dr. Manuel enverga para sa lungsod.
Ayon kay brizuella, sa pagusad ng teknolohiya, marami sa mga nakababatang henerasyon ng lucenahin ang walang ideya sa kung sino at ano ang nagawa ng kinikilalang ama ng lucena sa loob ng 9 na taon. Kaya’t kasabay ng papalapit na pagdiriwang ng linggo ng lucena, ibinahagi ni brizuela sa sanggunian ang talambuhay ng magiting na kongresista na nagmula sa probinsya ng quezon at kung paano ito naging malaking intrumento upang maging ganap na ciudad ang lucena 57 taon na ang nakakalipas.
Ayon dito, hindi naging madali ang pinagdaanan sa buhay ni enverga ngunit patuloy itong nagsumikap at nagpursige maabot lang ang mga pangarap hanggang sa ito’y maging isang magaling na kongresista na nagbigay ng kanyang serbisyo sa taong-bayan sa loob ng apat na termino o labinlimang taon sa probinsya ng quezon at lungsod ng lucena.
Dagdag pa nito, nang dahil kay enverga, nagawang maipasa ang batas na nagpapahintulot na magkaroon ng benepisyo sa social security system o sss ang mga empleyado na nagtratrabaho sa mga pribadong kompanya.
Si enverga rin aniya ang naging dahilan ng pagkakatatag ng quezon national agricultural school, nagbukas ng diplomationg ugnayan ng pilipinas sa russia at higit sa lahat ang siyang nagpasa ng batas upang tuluyan nang maging lungsod ang lucena.
Ayon kay brizuela, simula nang maisa batas ang republic act number 3271 o an act of creating the city of lucena noong june 17, 1961, naging tuloy-tuloy na ang pag-unlad ng lucena sa pamamagitan na rin ng mga nagtutulong-tulong , nagakakaisa, at may malasakit na mamamayan nito at mga pinuno.
Sa paggunita ng ika-57 anibersaryo ng pagiging lungsod ng lucena, hinikayat ni brizuela ang lahat ng mga lucenahin na tulad ni enverga ay maging instrumento rin ng lalong pagyabong at pagpapaunlad ng lungsod ng lucena. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments