Upang mabigyan ng kamalayan ang mga lucenahin hinggil sa 3 sakit na nauuso tuwing panahon ng tag-ulan, iminungkahi ni konsehal benny briz...
Upang mabigyan ng kamalayan ang mga lucenahin hinggil sa 3
sakit na nauuso tuwing panahon ng tag-ulan, iminungkahi ni konsehal benny
brizuella sa sangguniang panlungsod na
pangunahan ng city health office
ang pagpapakalat ng mga information o
educational materials sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod, ito ang usaping
binigyang pansin ng konsehal sa pamamagitan ng pribelehiyong talumpati na pinamagatan nitong ‘rainy seson’s deadly
diseases’.
Bilang chairman ng committee on health, binigyang diin ni
brizuela ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat mamamayan at sa pagpasok ng
panahon ng tag-ulan, iminungkahi nito na nararapat lamang na pasimulan ng lokal
na pamahalaan ang pagbibigay ng paalala at edukasyon sa mga lucenahin hinggil
sa paglaganap ng mga nakamamatay na
sakit gaya ng dengue, chikunggunya at leptospirosis.
Bagamat maaaring magkaroon ng dengue anuman ang panahon, hindi
lingid sa kaalaman ng marami na tumataas
ang kaso nito tuwing tag-ulan dahilan ng padami ng mga breathing sites ng mga
lamok na may kakayanan magsalin ng sakit na dengue at chikungunya, sakit na
ayon sa centers for disease control and prevention o cdc ay wala pang bakuna.
Dagdag pa nito, resonsibilidad umano ng bawat tao ang gumawa
ng aksyon upang maiwasan ito at
nararapat lamang na magkaroon ng kaalaman ang mga lucenahin tungkol sa
iba’t-ibang paraan upang maiwasang mamahay sa mga tahanan ang mga lamok.
Binigyang pansin rin ni brizeula ang pagataas ng tsansa ng sakit na leptospirosis dahil sa
madalas na pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan. Anito,
Hindi rin umano makatitiyak na hindi magkakaroon ng
leptospirosis ang mga lumulusong sa baha na walang sugat sapagkat pwede umanong magkakagasgas habang
nasa baha nang hindi namamalayan dahil sa paglambot ng balat na nababad sa
tubig.
Kaugnay ng mga sakit na ito,
bukod sa pagpapatingin ng maaga, binigyang diin din ni brizuela na sundin ang payo ng mga eksperto sa
kalusugan tulad ng paglilinis ng kapaligiran upang makaiwas sa mga sakit na
maaring makuha sa panahon ng tag-ulan.
Sa pamamagitan umano ng pinag sama-samang pwersa ng lokal na
pamahalaan at city helath office pagdating sa pagpapakalat ng mga impormasyon
ukol sa mga nakamamatay na sakit tuwing panahon ng tag-ulan, marami umanong maaring maging paraan upang
ito’y maiwasan at hindi na magdala pa ng pinsala sa kalusugan ng mga lucenahin.
(pio lucena/c.zapanta)
No comments