Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Konsehal benny brizuela, ipinaalala sa mga lucenahin ang mahalagang papel ni dr. Manuel s. Enverga bilang ama ng lungsod ng lucena

Sa pamamagitan ng prebilehiyong talumpati na pinamagatang “ama ng pagiging lungsod ng lucena”, ipinaalala ni kon. Benny brizeula sa mga l...


Sa pamamagitan ng prebilehiyong talumpati na pinamagatang “ama ng pagiging lungsod ng lucena”, ipinaalala ni kon. Benny brizeula sa mga lucenahin ang mahalagang papel na ginampanan ni dr. Manuel enverga para sa lungsod. 

Ayon kay brizuella, sa pagusad ng teknolohiya, marami sa mga nakababatang henerasyon ng lucenahin ang walang ideya  sa kung sino at ano ang nagawa ng kinikilalang ama ng lucena sa loob ng 9 na taon. Kaya’t kasabay ng papalapit na pagdiriwang ng linggo ng lucena, ibinahagi ni brizuela sa sanggunian ang talambuhay ng magiting na kongresista na nagmula sa probinsya ng quezon at kung paano ito naging malaking intrumento upang maging ganap na ciudad ang lucena 57 taon na ang nakakalipas.

Ayon dito, hindi naging madali ang pinagdaanan sa buhay ni enverga  ngunit patuloy itong nagsumikap at nagpursige maabot lang ang mga pangarap hanggang sa ito’y maging isang magaling na kongresista na nagbigay ng kanyang serbisyo sa taong-bayan sa loob ng apat na termino o labinlimang taon sa probinsya  ng quezon at lungsod ng lucena.

Dagdag pa nito, nang dahil kay enverga, nagawang maipasa ang batas na nagpapahintulot na magkaroon ng benepisyo sa social security system o sss  ang mga empleyado na nagtratrabaho sa mga pribadong kompanya.

Si enverga rin aniya ang  naging dahilan  ng pagkakatatag ng quezon national agricultural school, nagbukas ng diplomationg ugnayan ng pilipinas sa russia at higit sa lahat ang siyang nagpasa ng batas upang tuluyan nang maging  lungsod ang lucena.

Ayon kay brizuela, simula nang maisa batas ang  republic act number 3271 o an act of creating the city of lucena noong june 17, 1961, naging tuloy-tuloy na ang pag-unlad ng lucena sa pamamagitan na rin ng mga nagtutulong-tulong , nagakakaisa, at may malasakit na mamamayan nito at mga pinuno.

Sa paggunita ng ika-57 anibersaryo ng pagiging lungsod ng  lucena, hinikayat ni brizuela ang lahat ng mga lucenahin na tulad ni enverga  ay maging instrumento rin ng lalong pagyabong at pagpapaunlad ng lungsod ng lucena.   (pio lucena/c.zapanta)




No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.