Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Konsehal boyet alejandrino, ipinaliwanag sa mga purok leaders ang nilalaman ng mga ordinansa hinggil sa curfew, liquor, internet at motorcycle

Bahagi ng isinagawang seminar kamakailan hinggil sa enhancement ng community mobilization para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan s...

Bahagi ng isinagawang seminar kamakailan hinggil sa enhancement ng community mobilization para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod ay ang paglalahad ng iba’t ibang ordinansa ng lokal na pamahalaan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng tanggapan ng city people’s law enforcement board sa pamumuno ni atty. Lualhati martinez na ipinaliwanag ang usapin tungkol sa republic act 6975.

Kaugnay nito, inilahad din ni konsehal boyet alejandrino ang mga nilalaman ng mga ordinansa hinggil sa curfew, liquor, internet shop at motorcycle o ang clim.

Ayon kay alejandrino, napakahalaga ng mga ordinasang ito para sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating barangay gayundin para malaman ito ng mga mamamayan sa tulong ng mga ganitong uri ng seminar.

Nakapaloob sa ordinansa para sa curfew ang pagbabawal sa mga menor de edad o mga kabataang may edad labing walo pababa na manatili sa kalye maging sa mga establisyemento sa dis oras ng gabi.

Binanggit din dito ang mga maaring exempted sa curfew ordinance tulad ng mga kabataang may kasamang magulang o guardian, mga estudyante ng night schools at mga emergency cases na kinakailangang lumabas ng tahanan upang bumili ng gamot at iba pa.

At para naman sa liquor ordinance 2179, ipinagbabawal ang mga maninindahan na magbenta ng mga alak at iba pang intoxicating beverages na walang permit, gayundin ay bawal pagbentahan ang mga menor de edad at ang mga naka school uniform.

Mandatoryo din dapat na naka-display sa mga establisyemento ang kani-kanilang business permit at liquor license.

Sa ordinansa naman hinggil sa mga internet shops, hindi pinahihintulutan ang mga estudyante na manatili dito sa oras ng klase maliban na lang kung takdang aralin ang gagawin,  mga menor de edad na naglalaro ng mga online games sa des oras ng gabi, ang paninigarilyo at pag inom ng mga alcoholic beverages, mga malalaswa o panooring porno at ang pustahang laro.

Kinakailangan din na ang bawat internet shops ay mayroong business clearance mula sa barangay na siyang idi-display sa mababasang lugar gayundin ang paglalagay ng mga babala tungkol sa mga bawal sa computer shops.

Patuloy namang pinag-iigting ang ordinansa hinggil sa mga motorsiklo tulad ng pagsusuot ng helmet at pagsunod sa mga traffic and motor vehicle laws.

Sa huli, inaasahan na maging malinawa sa lahat ng mga mamamayan ang kahalagahan ng mga nabanggit na ordinansa at ang pagsunod dito. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.