Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL NICK PEDRO BINUKSAN ANG USAPIN HINGGIL SA MGA DRAINAGE

Dahilan sa pabago-bago ng panahon nariyan ang sobrang init, maya-maya ay kukulimlim at bigla na lamang uulan kaya naman sa ilang lugar la...


Dahilan sa pabago-bago ng panahon nariyan ang sobrang init, maya-maya ay kukulimlim at bigla na lamang uulan kaya naman sa ilang lugar lalo na sa metro manila, mga karating lalawigan ay bumabaha.

At kapag may dumaan pang bagyo ay tuluyan na malulubog sa baha ang dati na ay may tubig ng nakalipas na pag-ulan.

Ang ilan sa kadahilanan ng pagbaha ay ang baradong drainage dulot ng mga basura na nakabara dito.

Kaya naman sa prebilihiyong talumpati ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro ay binuksan nito ang usapin hinggil sa mga drainage.

Ayon kay Pedro, ang pagkakaalam niya ay malapit lang sa sea level ang kalupaan ng siyudad lalo na sa kabayanan.

Ang umiiral na sistema ng drainage ay hindi na rin daw angkop sa kasalukuyang panahon dahilan sa kaliitan ng dayametro ng nakabaong imburnal na matagal panahon at mas luma pa sa pagiging siyudad ng lucena.

Dagdag pa ng Konsehal, na sa ibang panig ng lungsod natin ay hindi rin gaanong episyente ang drainage.

Kung kaya may ilang lugar sa dito na bumabaha sanhi ng hindi tamang pagtatapon ng basura sa kalsada na naiipon sa drainage at iba pa.

Dapat ay matutuna ang ating mga mamamayan lucenahin sa tamang pagtatapon ng basura upang hindi na danasin ang nararanasang sa kamaynilaan at karating lalawigan.

Samantalang nagbalik tanaw rin si Councilor Pedro ito yung pangyayari sa pagbaha sa Maharlika Highway ilang taon na ang nakaraan.

Mula sa Sariaya hanggang dito sa Lucena ay humugos sa highway, sa mismong kalsada natin ang malakas na agos ng baha bunsod ng naganap noong bagyo.

Ayon kay Pedro, naalala nito ang pahayag noon ng yumaong Congressman Jun Punzalan dapat ay kasama ang drainage system sa pagpa-plano at pagpapagawa sa mga kalsada natin.

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang mga kasamahan konsehal sa prebilihiyong talumpating ito ni Nick Pedro dahilan sa pag-bubukas nito ng usapin hinggil sa mga drainage system. (PIO-Lucena/ J. Maceda)




No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.