Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL PATRICK NADERA, IBINAHAGI SA KONSEHO ANG MGA AKTIBIDAD NA NAISAKATUPARAN SA PAGDARAOS NG LINGGO NG KABATAAN SA LUNGSOD

Maituturing na isang matagumpay ang bawat aktibidades na naging parte sa idinaos na two-day celebration ng linggo ng Kabataan sa lungsod....


Maituturing na isang matagumpay ang bawat aktibidades na naging parte sa idinaos na two-day celebration ng linggo ng Kabataan sa lungsod.

Ito ang muling pagkakataon sa loob ng ilang panahon na ipinagdiwang ang nasabing okasyon sa mismong inisyatiba ng SK federation ng lungsod.

Ayon kay SK Federation President Councilor Patrick Nadera, kumpara aniya sa mga lumipas na selebrasyon, ang mga activities na isinagawa ngayon ay hango sa mas masayang konsepto na kung saan ay mas tatangkilikin ito ng mga kabataan at kakukuhaan nila ng kasiyahan.

Kabilang sa mga aktibidades ay ang kick off activity nito na fun run for a cause na dinaluhan ng mahigit sa limang daang partisipante mula sa iba’t ibang sektor at organisasyon.

Nagsilbing registration fee dito ay ang mga coloring books at crayons na ipapamahagi sa mga mag aaral sa piling day care centers sa lungsod at 1.5 liters soda bottle para naman sa gagawing eco bricks sa sanitary landfill.

Kasabay rin nito ay ang zumba activity na nilahukan ng ilang mag aaral mula sa Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena at Lucena Manpower Skills Training Center.

Gayundin ang Boses ng Kabataan at Battle of the Bands na nagpakita naman ng talento at galing ng mga kabataang Lucenahin.

Ayon pa sa konsehal, labis siyang nagpapasalamat kaisa ang pederasyon sa lahat ng mga tumulong sa kanila para sa pagsasakatuparan ng mga programa para sa kabataan lalot higit sa mga bumubuo ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala.

Gayundin sa sangguniang panlungsod na patuloy sa pagsusulong ng mga polisiya na makapagbibigay ng isang ligtas na lugar para sa mga kabataan katuwang ang Lucena PNP na nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng lungsod.

Dagdag pa ni Nadera, hindi rito natatapos ang mga programa at proyekto na ipapatupad hindi lang ng SK Federation kundi ng lahat ng SK officials sa bawat barangay, bagkus ay mas lalo pa nilang pag-iibayuhin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya.

Ibinahagi naman nito ang isa sa mga programa ng sangguniang Kabataan ng barangay Ilayang Dupay na basura mo palit baon project na kung saan ay mngongolekta sila ng mga plastic sachets sa mga kabtaan kapalit ng cookies para sa mga ito.

Ang mga ganitong uri aniya ng programa ay isa lang sa mga maaaring tangkilikin ng kabataang Lucenahin kasabay ng patuloy na pag-unlad na lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/ M.A Minor)




No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.