Sa isinagawang pribelihiyong pananalita ni Konsehal Sunshine Abcede-Llaga sa naganap na regular na sesyon kamakailan ay ginunita nito ang...
Sa isinagawang pribelihiyong pananalita ni Konsehal Sunshine
Abcede-Llaga sa naganap na regular na sesyon kamakailan ay ginunita nito ang
nalalapit na pagdiriwang ng ika- isang daan at apat na pong taon na
kapanganakan ng Ama ng lalawigan ng Quezon at ng wikang pambansa na si dating
pangulong Manuel Luis Quezon.
Ibinahagi rin ni Llaga ang mga naging kaambagan ni Manuel
Luis Quezon hindi lang sa lalawigan kundi sa buong bansang Pilipinas.
Ayon kay Llaga, si Quezon ang lumikha ng pambansang konseho
para sa edukasyon at ang isa sa mga nagsulong ng karapatan ng mga kababaihan na
iboto at maiboto.
Matatandaang ang dating pangulo rin ang tumanggap ng mahigit
sa isang libong jewish refugees sa bansa sa panahong itinaboy at tinalikuran
sila ng ibang bansa. Ito din aniya ang nagbukas ng kamay sa mga nangangailangan
at ang nanindigan sa kasarinlan ng bansa.
Sa huli ay hiniling ni Llaga sa kanyang pananalita, na
marami pang pulitiko mula sa loob at labas ng lalawigan ang maging katulad ni
Manuel L. Quezon na may pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa paritisipasyon
at pagkakapantay-patay ng bawat isa. (PIO-Lucena/ M.A Minor)
No comments