Kaugnay sa isinagawang information hour sa sangguniang panlungsod kamakialan kung saan ay isa sa dumalo dito si Arween Flores na siyang m...
Kaugnay sa isinagawang information hour sa sangguniang
panlungsod kamakialan kung saan ay isa sa dumalo dito si Arween Flores na
siyang magiging City Tourism Officer ng lungsod ng lucena.
At sa ginanap na interpulasyon ay isa sa tumayo rito ay si
Konsehal William Noche.
Iminungkahi nito kay Flores, na pagtuuan ng pansin ang
tourist site and destination sa lucena city.
Ayon sa konsehal, ilan sa mga puwedeng mapasyal ng mga
torista una ay ang mga magagandang simbahan dito sa atin, mga old houses tulad
na lamang ng bahay ng mga Zaballero.
Ayon pa kay Noche, isa rin na maaaring pasyalan dito sa
lungsod ng lucena ay ang munomento ni Quezon at makikita dito ang historical
back round na kung saan ay naging teniente del baryo si dating pangulong Manuel
Luis Quezon na matatagpuan sa bahagi ng Barangay Ilayang Dupay at marami pang
iba pa na puwedeng maging tourist spot.
SOT 00:36-1:28 footage SP2 william noche 00:49
Sinabi rin ni Councilor William Noche, maaaring ipackage ang
mga nabanggit at sapagkat ang tourism aniya ay nariyan ang pagkakakitaan na
puwedeng pumasok sa kabanbayan ng lungsod ng lucena.
Ilan lamang si Noche sa mga tumayong konsehal at nagbigay ng
mungkahi kay Arween Flores at sa huli ay
nagpahayag ito ng suporta dito.
Dahilan na pinagtiwalaan siya ni Mayor Roderick “Dondon”
Alcala na hawakan ang naturang ahensiya.
Sisikapin naman ni Arween Flores na gampanan ang iniatang
natungkulin na ibinigay sa kaniya ng punong lungsod. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments