Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Krimen s alungsod, bumaba ng 21 % sa unang pitong buwan ng taong 2018 ayon sa lucena pnp

Isa sa magandang balita na inihayag ng hepe ng lucena pnp na si p/supt. Romulo albacea sa nagdaang pagpupulong ng lucena city advisory coun...

Isa sa magandang balita na inihayag ng hepe ng lucena pnp na si p/supt. Romulo albacea sa nagdaang pagpupulong ng lucena city advisory council kamakailan ay ang pagbaba ng datos ng kriminalidad  sa lungsod sa loob ng unang pitong buwan ng kasalukuyang taon.

Ayon kay albacea,  bumaba ng 152 incidents o 21 porsyento ang crime volume sa lungsod para sa taong 2018. Kumpara kasi sa 717 crime volume noong nakalipas na taon,  ngayon ay 565 na lamang ang naitalang krimen ng lucena city police station na lubos namang ikinatutuwa ni albacea.

Para umano sa unang pitong buwan ng taong 2018, kumpara sa dating 236 index crime noong nakalipas na taon, bumaba ng 82 incidents o halos 35  posyento ang  index crime ngayong taon sa bilang na 154 kung saan nabibilang ang murder, rape, kidnapping, at theft o iba pang krimen na laban sa tao at pagkato.

Para naman sa mga  non-index crime o mga krimen na lumalabag sa mga batas at lokal na ordinansa, gaya halimbawa ng child trafficking, paggamit at pagbebenta ng iligal na droga ,  possession of illegal firearms, paglabag sa batas trapiko, at iba pa ay umabot sa bilang na  411, mas mababa ng halos 15 porsyento o 70 insidente  kumpara sa bilang na 481 noong nakalipas na taon kung saan pinakamataas ang bilang ng accomplishment ng grupo sa ilegal na droga.

Dagdag pa nito, ang pinakamataas na krimeng kanilang naitala  ay pagnanakaw. Bagay na isa rin  sa pinoproblema ng kanilang ahensya. Sa kabila  umano ng napakaraming accomplishement ng mga kapulisan pagdating sa  pagsugpo sa ganitong uri ng krimen, mistulang nababalewala rin ito dahil matapos na madakip , agad ring nakakalabas ang mga salarin dahilan sa mababa lamang ang pyansang nakapataw sa  ganitong uri ng krimen na nagiging sanhi kung bakit nakakabalik parin sa dating gawain ang mga ito. (Pio lucena/c.Zapanta)



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.