Simula nang maupo bilang kapitan ng brgy. 1, Isa sa mga nais na tutukan at bigyang ng kaukulang pansin ni herminia abuel ay ang paglalatag ...
Simula nang maupo bilang kapitan ng brgy. 1, Isa sa mga nais na tutukan at bigyang ng kaukulang pansin ni herminia abuel ay ang paglalatag ng mga livelihood programs na makatutulong sa pag-unlad ng kanyang mga nasasakupan, ito ang naging pahayag ng kapitana sa naging panayam ng tv 12 kamakailann.
Hindi lang ang pamumuno ang alam ni abuel, maging sa pananahi at pagluluto ay eksperto rin ito. Kaya’t nang mahalal bilang kapitan ng barangay 1, isa sa mga programang nais nitong agad na pasimulan ay ang pagtuturo at pagbabahagi ng kanyang mga kaalaman .
Sa tulong umano ng isa niyang kagawad na dati namang beutician bago mahalal, simula ngayong buwan ng agosto, nais ni abuel na ibahagi sa mga ito ang mga personal na kaalaman na tiyak na makapagbibigay sa mga sa mga kababainhan lalo’t higit sa mga nanay sa kanilang barangay ng pangkabuhayan.
Aniya, magmimistulang lucena manpower skills training center o lmstc on barangay ang livelihood program na ito kung saan matuturuan ng libre ang mga residente ng hair science ang cosmetology, baking and pastry at dressmaking.
Sakali umanong maging matagumpay ang nasabing programa, tinitiyak ni abuel na sa mga bagong skills na matututunan ng mga ito, imbis na ang mga asawang lalaki lang ang kumakayod at nagtratrabaho, magkakaroon na rin ng pagkakataon na kumita ng pera ang mga kababaihan na tiyak na makatutulong sa pang araw-araw na gastusin ng pamilya.
Sa ganitong paraan,bilang bagong kapitan ng barangay 1, nakatitiyak si abuel na sa aspeto ng pangkabuhayan, hindi pahuhuli ang kanyang mga nasasakupan. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments