Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lungsod ng lucena, nakiisa sa agri-tourism exposition ng niyogyugan festival 2018

Naging hamon para sa lokal na pamahalaan ng lungsod at city agriculturist office na mas gawing makulay at  mas kaakit-akit ang itinayong ...


Naging hamon para sa lokal na pamahalaan ng lungsod at city agriculturist office na mas gawing makulay at  mas kaakit-akit ang itinayong booth ng lungsod ng lucena na kalahok   sa agri-tourism exposition ng niyogyugan festival ngayong taon.

Sa pagsisimula ng pagdiriwang ng tinaguriang mother of all festivals sa lalawigan, humilera na sa perez park ang mahigit sa 30  makukulay at kaakit-akit na  booth ng iba’t-ibang bayan  na nagrerepresenta ng kani-kanilang mga kultura at mga produkto.

Bilang ang niyog ang pangunahing produkto sa lalawigan ng quezon, kanya-kanyang diskarte ang bawat bayan sa pagpapagarbo at pagpapatingkad ng mag disenyo ng kani-kanilang mga booth gamit ang niyog.

Tiyak naman na mabubusog hindi lang ang mga mata ng mga turista kundi pati na rin ang kanilang  mga sikmura sa mga kultura , kapistahan at mga lokal na produktong ipinagmamalaki ng bawat bayan sa lalawigan ng quezon.

Kaugnay nito, kapansin-pansin na bukod sa niyog na ginamit bilang pangunahing materyales para sa booth ng lucena, bubungad rin sa mga lokal  at dayuhang turista ang mga pangunahing produkto ng lungsod gaya ng  chami at tinapa.

Sa pamamagitan rin ng agri-tourism exposition na ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga myembro ng rural improvement club o ric, mga mangingisda at mga masasaka sa lungsod na maipakita at maipagmalaki sa mga turista at mga karatig bayan ang kani-kanilang mga gawang produkto gaya ng  tinapa gourmet, tinapa sardines, tinapa flakes, bottled sardines, gourmet tuyo, at iba pa.

Mayroon ring iba panglokal na produkto gaya ng peanut buttter, yema spread, mushroom products,  iba’t-ibang uri ng coco jam, at atsara.

Tunay na sumisimbolo ng pagkakaisa ang mainit na pagsuporta ng 39 na munisipalidad at 2 lungsod sa lalawigan ng quezon para sa nasabing kapistahan. Sa pamamagitan nito,  patuloy na umuunlad ang mga talentong pansining at  mga produktong pang agrikultura ng bawat bayan sa buong lalawigan. (pio lucena/c.zapanta)




No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.