Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit 8,000 guro, dumalo sa ‘teachers convention’ sa Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mahigit 8,000 public school teachers mula sa mga bayan sa ikalawa at ika-apat na distrfito ng lalawigan ng Que...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mahigit 8,000 public school teachers mula sa mga bayan sa ikalawa at ika-apat na distrfito ng lalawigan ng Quezon ang dumalo sa ‘teachers convention’ sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito noong Agosto 16, 2018.

Naging panauhing tagapagsalita sa okasyon si Sen. Sonny Angara na nagpahayag ng kanilang suporta sa mga dumalong guro sa nasabing konbensiyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni senador Angara na tutulong siya sa libo-libong mga guro sa pamamagitan ng pagsusulong ng batas upang mapataas ang buwanang sweldo ng mga guro.

“Ang sweldo ng isang guro ngayon ay nasa P20,000.00 kada buwan at sa pamamagitan ng batas na ating isusulong ay maaari itong maging P40,000.00 kada buwan”, sabi pa ni Sen. Angara.

Sinabi ng senador na nauna nang tumaas ang sweldo ng mga sundalo at pulis at ngayon ay pursigido aniya siya na maisulong ang batas upang mapataas naman ang buwanang sweldo ng mga guro upang matugunan ang kanilang mga pang-araw araw na pangangailangan.

Bukod sa pagsusulong ng batas sa pagtataas ng sweldo ng mga guro, sinabi pa ng senador na isusulong din niya ang batas kung saan ang isang public school teacher ay maaari nang magretiro sa pagsapit ng 55 taong gulang gayundin ang pagsusulong ng expanded universal health care law at teachers protection act.

Samantala, magpahayag din ng suporta sa mga guro si Partylist Representative Anna Villaraza Suarez at Quezon Governor David Suarez sa mga gurong dumalo sa nasabing pagtitipon.

Sinabi ng partylist representative Suarez na patuloy niyang isinusulong ang scholarship program sa mga guro at katunayan aniya ay may mga gurong nakatapos nan g pag-aaaral sa pamamagitan ng scholarship program.

Bukod kay Angara, naging panauhing ding tagapagsalita sa okasyon si senador Nancy Binay na nagpahayag din ng kanyang suporta sa mga guro.(Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.