Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAHIGITSA 1,400 MGA SENIOR CITIZENS TINAGGAP ANG KANILANGPA-BIRTHDAY KAY MAYOR DONDON ALCALA

Tinatayang aabot sa mahigit na 1,433 mga senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang tumanggap ng kanilang pa-birthd...




Tinatayang aabot sa mahigit na 1,433 mga senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang tumanggap ng kanilang pa-birthday kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ang pamamahaging ito ng birthday cash gift ay ginanap sa Reception and Action Center sa bahaging Zaballero Subd. Sa Brgy. Gulang-Gulang.



Kasama rin ni Mayor Alcala sa pamamahaging ito si Councilor Sunshine Abcede-Llaga na kung saan ay bumati rin sa mga nakakatandang sector ng lipunan na nagdiwang ng kanilang birthday.

Sa naging pahayag naman ni Mayor Dondon Alcala, ang mga Senior Citizen ay prayoridad niya.

Ayon sa Alkalde, kapag mayroon budget deliveration ay nilalaan niya ng malaking pundo ay ang mga nakatatandang sektor ng lipunan sa lungsod.

Dahil sinabi ng punong lungsod, malapit sa kaniyang puso ang mga lolo at lola dahilan sa inalagaan mabuti siya noon ng kaniyang mga lolo at lola.

Personal naman iniaabot ang regalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa mga lola at lolong nagsipagdiwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng hulyo.

Nagpasalamat naman ang mga ito kay Mayor Alcala dahilan sa pagkakaroon ng ganitong uri ng programa na anila ay malaki ang naitutulong sa kanilang hanay.

Bagamat anila ay maliit na halaga lamang ang regalong ito na ibinibigay sa kanila ng alkalde ay hindi naman matutumbasan ang ligaya na mabigyan sila nito na sa unang pagkakataon ay nangyari sa lungsod ng Lucena.(PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.