Editorial Si Manuel Quezon ay isa sa mga nanguna at isinulong niya ang pagkakatatag ng pambansang wika ng Pilipinas. Naniniwala si...
Si Manuel Quezon ay isa sa mga nanguna at isinulong niya ang pagkakatatag ng pambansang wika ng Pilipinas. Naniniwala siya na mahalaga ang kaisahan ng wika sa isang bansa upang lubusang magkaintindihan at hindi magkawatak-watak. kaya niya ipinasya na suportahan at isulong ito sa pamumuno niya.
Pitumpu’t siyam na taon na ang nakalilipas ngayon dineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng radyo.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang Pangulo sa himpapawid gamit ang Filipino, na ipinahayag ang pambansang wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng Executive Order No. 134 na inilabas noong Disyembre 30, 1937.
Sinabi ni Quezon sa radyo:
“Nagdudulot sa akin ng di matingkalang kasiyahan na maipahayag ko sa inyo na ngayong ika-41 anibersaryo ng pagmamartir ng nagtatag at pinakadakilang tagapamansag ng nasyonalismong Pilipino, ay naging karangalan kong ilagda, bilang pag-alinsunod sa utos ng Konstitusyon at ng umiiral na batas, ang isang Kautusang Tagapagpaganap na nagtatalaga sa isa sa mga katutubong wika na maging batayan ng wikang pambansa ng bayang Pilipino.”
Sinabi ni Quezon ang rekomendasyon ng National Language Institute (NLI) na gamitin ang Tagalog bilang pundasyon ng pambansang wika ng bansa.
Masigasig na isinusulong ni Quezon ang panlipunang katarungan o social justice, kung kaya minsan ay kanyang winika: “Higit na makatutulong ang panlipunang katarungan kapag ang ginamit na batayan ay ang damdamin at pang-unawa at hindi ang batas.”
Noong 1937, nilagdaan ni Quezon ang kauna-unahang batas para sa minimum wage sa Pilipinas. Noong taon ding iyon, unang bumoto ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito tungkol sa karapatan ng mga babaeng bumoto o ang tinatawag na women’s suffrage.
Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.
No comments