Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala dumalo sa pagdiriwang ng taunang Barangay Night sa lungsod

Dumalo sa isinagawang taunang pagdiriwang ng Barangay Night sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan. Guinanap ang nasabin...

Dumalo sa isinagawang taunang pagdiriwang ng Barangay Night sa lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Guinanap ang nasabing okasyon sa open space ng pacific Mall sa bahagi ng brgy. 3 na kung saan ay pinangunahan ito ni ABC President Jacinto “Boy” Jaca at dinaluhan rin ito ng lahat ng mga barangay sa Lucena.

Naging panauhing pandangal naman sa nasabing pagdiriwang si dating Department of Agriculture Secretary Engr. Proceso “Procy” Alcala at mas lalo pang pinasaya ang barangay night na ito dahilan sa ginawang surpresang pagbisita ni Senator Cynthia Villar dito.

Maging sina Vice Mayor Philip Castillo, Konsehal Vic Paulo, Benny Brizuela, Nilo Villapando, SK Federation President Patrick Nadera, DILG 4A Regional Director Manuel Gotis, at City DILG Director Engr. Danilo Nobleza, Acting Lucena city PNP Chief PSupt. Romulo Albacea, ilang mga department heads, at mga SK Chairman ng iba’t-ibang barangay sa Lucena.

Sa naging pananalita ni Senator Cynthia Villar, kaniyang pinasalamtan si dating DA Secretary Procy Alcala sa ginawang pag-iimbita nito sa kanya sa nasabing okasyon na aniya ay natutuwa siya sa nagiging pagkakaisa ng bawat barangay sa lungsod.

Inihayag rin ng senadora ang ilan nitong mga naipasang batas na kung saan ay mas nakatutok ito sa kapakanan ng mga kababayan nating magsasaka dahil naniniwala aniya siya na nararapat na mas bigyan ng pansin at pagpapahalaga ang sketor ng mga magsasaka dahilan sa ito ang mas may malaking ambag sa ating lipunan.

Samantala sa mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, kanyang binigyang pasasalamat si Senator Villar sa ginawang pagbisita nito sa lungsod ng Bagong Lucena.
Pinuri rin ng alkalde ang senador dahilan sa kasipagan nito dahilan sa hindi lamang aniya tuwing mayroong halalan nagtutungo ito dito kundi maging sa mga simpleng okasyon basta ito ay maimbitahan at luwag sa kaniyang iskedyul.

Kung matatandaan makailang beses na rin na nagtungo si Senadora Cynthia Villars a Lucena na kung saan ay naging panauhing pandangal ito sa pagtatapos ng isang kilalang paaralan sa lungsod.

Bukod dito, sinabi rin ng punong lungsod na ang okasyong nabanggit ay para sa lahat ng mamamayan ng Lucena at kanila itong ibinukas para salahat ng mga barangay at buong pagmamalaki niya na wala silang pinipili na kung sino man na magtungo ddito maging kakampi man ito sa pulitika o kalaban basta ang mahalaga lamang aniya ay maidaos ito ng tahimik at masaya.

Samantala sa naging pananalita naman ni dating DA Sec. Procy Alcala, pinasalamatan rin nito si Senator Villar aniya ay tunay na nagmamahal sa mga kababayan nito dahilan sa ginagawang personal na pagbisita sa kanila upang alamin ang kalalagayan ng mga ito at maibigay ang nararapat na tulong para sa kanila.

Dagdag pa ni Engr. Procy Alcala, matagal na rin niyang nakasama ang senadora noong siya ay dating kalihim pa at personal na nakikita nito ang ginagawang pagtulong sa ating mga kababayan.
Matapos nang naging pananalita ng mga nasabing opisyales ay nagpakuha naman angmga ito ng lawaran kasama ang mga kapitan ng barangay gayundin ang mga SK Chairman ng iba’-ibang barangay sa Lucena.

Ang pagdalong ito ng mga nasabing opisyales ay upang ipakita sa lahat ngmga kapitan ng barngay ang kanilang buong pagsuporta sa kanilang mga aktibidad at upang ipakita rin ang kanilang pasasalamat sa ginagawang pagsuporta ng mga ito salahat ng kanilang mga programa at proyekto. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.