Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga isinasagawang paghahandang para sa kalamidad ng barangay talao-talao, inilahad ni kapitan reil briones

“Hindi man kami isang daang porsyentong handa pagdating sa kalamidad, preparado naman kami pagdating sa pagpaplano at pagmamalasakit sa mam...

“Hindi man kami isang daang porsyentong handa pagdating sa kalamidad, preparado naman kami pagdating sa pagpaplano at pagmamalasakit sa mamamayan”.

Ito ang naging pahayag ni kapitan reil briones ng barangay talao-talao sa naging panayam sa kanya ng tv12 kamakailan hinggil sa paghahanda sa pagdating ng anumang uri ng kalamidad.

Ayon kay kapitan briones bagamat hindi pa aniya kompleto ang mga kagamitang pang-sakuna sa kanilang barangay ay nagsasagawa naman sila ng iba’t-ibang uri ng paghahanda para sa nasabing usapin.

Dagdag pa rin ni briones, sa kasalukuyan ay mayroon ng mga kapote, bota at flashlights na nagagamit ang kanilang mga miyembro ng barangay disaster council at mga barangay tanod.

Paliwanag pa ng kapitan, nakatakdang bilhin ng pamahalaang barangay ang iba pang mga disaster equipments tulad ng communication devices and handheld radios upang mas mapabuti ang kanilang paghahanda dito.

Isa rin aniya sa kanilang ginagawang paghahanda ay ang pakikiisa ng mga miyembro ng disaster council at mga barangay tanod sa isinasagawang training tulad ng water search and rescue training na kung saan ay panglawang beses na silang nakilahok dito.

Buong pagmamalaki rin ni chairman reil briones na sa simula nang maupo siya bilang kapitan ng brgy talao-talao ay wala pang naiulat na nasawi sa mga bagyong dumaan sa kanilang lugar at ang naging pinsala lamang dito ay ang mga nasirang tahanan.

Ito rin ay sa pamamagitan ng maayos na pakikpagdayalogo sa kaniyang mga nasasakupan at maayos na pagpapaliwanag sa mga ito sa kung anu ang kanilang gagawin sakaling magkaroon ng sakuna dito.

Ayon pa rin sa kapitan, sakali aniya na may malaman sila na impormasyon lalo’t higit sa mga balita sa radio o telebisyon na may paparating na bagyo na maaapektuhan ang lungsod ay agad silang nagsasagawa ng pag-aanunsyo sa kanilang mga kabarangay hinggil dito.

Dagdag pa ni briones, ilang oras bago pa man dumating ang kalamidad ay nagsasagawa sila ng  pagroronda sa kanilang lugar upang tiyakin na ang lahat ng mga kabarangay na maaring maapektuhan nito ay agad nilang maililikas sa mga evacuation centers.

Sa huli tiniyak naman ni brgy talao-talo chairman reil briiones na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang mga ginagawang pagsasanay at paghahanda sa anu mang uri ng kalamidad upang sa ganun ay maging ligtas ang lahat ng kaniyang mga kabarangay dito. (Pio lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.