Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga proyekto ni mayor dondon alcala para sa mall market, ikinatutuwa ng mga mamimili at maninindahan

Kasabay ng pagpapahayag ng pasasalamat ng public market administrator na si noel palomar sa lahat ng suportang ibinibigay ni mayor dondon a...

Kasabay ng pagpapahayag ng pasasalamat ng public market administrator na si noel palomar sa lahat ng suportang ibinibigay ni mayor dondon alcala sa kanilang tanggapan, nabanggit nito ang ilan sa mga pagbabagong mayroon sa pamilihang panlungsod ng lucena na lubos na ikinatutuwa ng mga mamimili at mga maninindahan.

Ayon kay palomar, kasabay ng pagpapatayo ng bagong gusali ng palengke, layunin din ng alkalde na mas gawin pang kombinyente para sa lahat ng mga mamimili at maninindahan ang araw-araw na transaksyon sa loob ng pamilihan.

Bukod umano sa paglalagay ng escalator para sa kaalwanan ng mga tao , nagpalagay rin ito ng price monitoring wall sa bungad ng palengke upang agad na magkakaroon ang mga mamimili ng  ideya sa kasalukyang presyo ng mga produktong ninanais nilang bilhin at maibudget nang maagap ang kanilang pera.

Bukod sa mga nabanggit, napansin ni obcemea na naging malaking katulungan rin para sa lahat ang paglalagay ng 17 cctv sa iba’t-ibang bahagi ng palengke.

Sa pamamagitan umano ng mga cctv na ito, sa tuwing  may mga nawawalang produkto o di kaya nama’y may hindi inaasahang insidente gaya ng pananalisi at budol-budol na  nangyari sa loob ng pamilihan, sumasangguni sa kanilang opesina ang mga mamimili at manininda.

Sa tulong  ng mga nakainstall na cctv, nakatutulong ang kanilang opesina na maresolbahan at matukoy ang mga salarin.

Dahil sa  mga pagpapagandang isinasagawa sa mall market, hinid maikakailang mas maraming lucenahin ang natutuwa, at bilang administrator ng public market, lubos ring nagagalak si palomar  dahil  mas  nagkakaroon ng kumpyansa sa kanilang tanggapan ang mga maninindahan at mamimili dahil ramdam ng mga ito na nabibigyan ng kaukulang pansin ng pamunuan ang kanilang kapakanan. (Pio lucena/c.Zapanta)



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.