Bilang tanda ng pagkilala ng lokal na pamahalaan para sa walang sawang pagtutulong –tulong maisaayos lamang ang dating dumpsite, ginawa...
Bilang tanda ng pagkilala ng lokal na pamahalaan para
sa walang sawang pagtutulong –tulong
maisaayos lamang ang dating dumpsite,
ginawang prayoridad ng pamahalaang panlungsod ang mga sanitary landfill
personels at mga pamilya nito sa unang araw ng selebrasyon ng linggo ng lucena.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang patuloy na
pagsasaayos at pagpapaganda ng sanitary landfill na dating open dumpsite at
itinuturing na isa sa pinakamalaking problema ng lungsod. Kaya’t bilang tanda
ng pasasalamat para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na nagtulong-tulong
upang maisaayos ito,nagsilbing mga benepisyaryo ang mga sanitary landfill
personels at mga pamilya nito sa inihandang aktibidad para sa unang araw ng
linggo ng lucena na may titulong ‘tree
planting plus events’.
Sa nasabing aktibidad, bukod sa pagtatanim ng mga puno at
iba pang halaman upang mas mapaganda at gawing mas kaaya-aya ang sanitary
landfill, naghanda rin ng gift-giving, feeding program, grooming acitivty,
dental services, psychological development at storyteleling activity ang lokal
na pamahlaan para sa mga benepisyaryo.
Nakasama ng lokal na pamahalaan ang the original ugat lucena
association incorporated, club 1925 , rotary club of lucena south , philippine
tongho institute,rotaract club of lucena south, lucena manpower skills training center, the
one only bonafide ugat ng lucena, at
quezon provincial dental chapter , pagdating sa pagbibigay ng mga regalo, damit,
relief goods, at mga libreng serbisyo gaya ng masahe , gupit at libreng bunot
ng ngipin sa mga ito.
Kaugnay nito ay nagbigay ng pasasalamat ang pangulo ng mga
eco-aid na si wilson urtula sa lokal na pamahalaan sa pangunguna ni mayor
dondon alcala at hepe ng sanitary landfill na si rosy castillo maging sa lahat
ng mga organisasyon at samahan na tumulong sa kanila at nagpaabot ng mga
biyaya.
Ayon kay urtula,
bukod sa mga libreng serbosyong kanilang natanggap, magiging malaking
katulunganan rin umano ang mga regalo,
libro , damit at relief goods na ibinigay
ng iba’t-ibang mga organisasyon at samahan sa kanilang grupo at mga
pamilya nito kung kaya’t makakaasa umano ang mga lucenahin na higit nilang pag-iibayuhin ang mas pagpapaganda at
pagsasaayos ng sanitary landfill ng lungsod. (pio lucena/c.zapanta)
No comments