Dahilan sa pabago bago ng panahon ngayon taon lalo’t higit sa buwan ito kung kaya ay nagkakaroon ng hindi magandang pakiramdam ang mga hayo...
Dahilan sa pabago bago ng panahon ngayon taon lalo’t higit sa buwan ito kung kaya ay nagkakaroon ng hindi magandang pakiramdam ang mga hayop tulad na lamang ng baboy.
At isa sa sakit na tumatama sa mga baboy ngayon ay ang swine pneumonia dulot naman ng bacteria na may katawagang mycoplasma suis.
Na ang sintomas ay pagdumi ng tubig na kulay pula, ubo, sipon, pangingitim ng extremities tulad ng dulo ngnguso, dulo ng paa, dulo ng buntot, dulo ng tenga.
Dahilan ito ng hindi kakayanan ng baga mag-suppy ng oxygen sa mga parteng katawan.
Ito ang binanggit ni winston avillo hepe ng city veterinaty office sa naging panayam ng tv12 kamakailan.
Ayon kay avillo, upang maiwasan aniya ang sakit na swine pneumonia sa mga may alagang baboy ay kailangan na mapabakunahan ang mga ito para hindi na umano lumala pa.
Sinabi naman ng hepe ng city veterinary office na kung kinakailangan ng serbisyo nila para magturukan ang mga alagang baboy nila ay magsadya lamang sa kanilang tanggapan upang maiskedyul ang pagtuturok sa kanilang lugar.
Samantalang nilinaw naman ni winston avillo ang agam agam ng ilan natin lucenahin na ang swine pneumonia na sakit mula sa baboy ay hindi naman aniya nakakahawa sa tao at ito ay para lamang sa mga baboy.
Nagpasalamat naman si avillo kay mayor roderick “dondon” alcala sa walang sawang pagtulong at suporta nito sa kanilang mga programa at proyektong isinasagawa para sa mga mamamayan ng bagong lucena. (Pio-lucena/ j. Maceda)

No comments