Sa pagpapatuloy ng pribilehiyong talumpati ni konsehal boyet alejandrino hinggil sa usapin ng mga pagbabagong naganap sa lungsod simula nan...
Sa pagpapatuloy ng pribilehiyong talumpati ni konsehal boyet alejandrino hinggil sa usapin ng mga pagbabagong naganap sa lungsod simula nang maupo bilang alkalde si mayor roderick “dondon” alcala noong taong 2013, binigyang pansin naman ngayon ng konsehal ang kahalagahan ng pagkakaisa ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kaniyang probilehiyong talumpati na pinamagatang “state of the sanggunian address o sosa, part ii”.
Ayon kay alejandrino, hindi magagawa ng kasalukuyang administrasyon ang mga magaganda at malalaking pagbabago para sa lungsod ng bagong lucena kung hindi nagkakaisa ang executive at ang legislative department ng lokal na pamahalaan.
Inihalimbawa nito ang pagpapanukala sa budget ng ehekutibo para sa bawat proyektong ninanais na gawin ng administrasyon na siya namang inaaprubahan ng lehislatura.
Ayon pa kay alejandrino, sa bawat programa at proyekto ng lokal na pamahalaan, kaisa ng ehekutibo o ng punong lungsod ang legislatura sa pamamagitan ng pag-aapruba at pagpapasa ng mga batas upang maisakatuparan ang mga ito.
Ilan sa halimbawa ng mga programa at proyektong naisagawa para sa mga mamamayan ng lucena ay ang pagpapatayo ng malaki at modernong city hall at ng makabagong palengke, libreng kolehiyo sa dalubhasaan ng lungosd ng lucena, pagdadagdag at pagpapatayo ng 13 paaralan, pagsasaayos ng lucena mampower skills training center , pagpapatayo ng don victor ville subdivision, pamamahagi ng libreng gamit pang eskwela sa lahat ng mga estudyante ng pampublikong paaralan sa lungso.
Gayundin ang pagtatatag ng bagong lucena health program, pagsasaayos ng sanitary landfill, at pagtutok sa mga programang pang-agrikultura at pangingisdasa.
Isa rin sa naging bahagi ng pribilehiyong pananalita ni alejandrino, ay ang pagkakaroon aniya ng mga maaring ipintas sa kasalukuyang administrasyon sa kabiila ng mga pagbabagong dinala nito sa lungsod.
Dagdag pa ng konsehal, ilan sa mga pintas na ito ay ang kabi-kabilang mabigat na daloy ng trapiko sa lucena at ang pagsikip ng mga sidewalk na siyang dinadaanan ng mga tao.
Ngunit giit ni aelandrino, ang mga isyu o problemang nabanggit ay tanda lamang ng pag-unlad ng isang bayan o lungsod dahilan sa dami ng mga nagtutungo dito at naglalagak ng kanilang mga negosyo na isang dahilan rin sa pagdami ng tao at mga sasakyan.
Ngunit sa kabila naman nito, makakaasa aniya ang mga lucenahin na patuloy na susulusyunan ng alkalde at ng mga miyembro ng sangguniang panlungsod ang mga nasabing problema.
Sa katunayan, ilan anya sa kanilang mga naging solusyon sa nasabing problema ay ang pagpapatupad ng color coding sa mga pumapasadang tricycle, patuloy na pagdadagdag at pagpapalawak ng mga kalye gayundin ang patuloy na mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko sa lungsod ng lucena. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments