Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGKAKAROON NG MALINIS NA KAPALIGIRAN SA BARANGAY TALAO - TALAO, PATULOY NA ISINUSULONG NI KAPITAN REIL BRIONES

Isa sa mga maaaring ipagmalaki ng bawat barangay sa lungsod ay ang pagkakaroon ng malinis at maayos na pamayanan, kung kaya’t iba’t ibang a...

Isa sa mga maaaring ipagmalaki ng bawat barangay sa lungsod ay ang pagkakaroon ng malinis at maayos na pamayanan, kung kaya’t iba’t ibang aktibidad ang kani-kanilang isinasagawa para maisakatuparan ito.

Sa naging panayam ng TV12 kay Kapitan Reil Briones kamakailan, inilahad nito ang iba’t ibang programa na kanilang isinasagawa sa barangay Talao-talao hinggil sa nasabing usapin.

Ayon sa Kapitan, bagama’t ang No segregation no collection policy ay ipinapatupad pa lamang sa poblacion ngayon, sa kanilang barangay ay kanila na rin itong isinasagawa.

Dagdag pa nito, Mayroong mga street sweepers ang naglilinis ng kapaligiran sa bawat purok maging sa mismong kabayanan katulong ang mga brangay coordinators.

Nakikipagtulungan din ang sangguniang barangay sa Talao-talao elementary school sa pagpapakalat ng kahalagahan ng pagsasaayos ng mga basura nang sa gayn ay kahit sa murang edad pa lamang ng mga kabataan ay maalam na sila ng tamang paraan.

Sa loob ng isang buwan ay nagassagawa rin ag pamahalaang barangay ng general cleaning at costal clean up drive bukod pa sa mga paglilinis na isnasagawa ng mga pumupuntang non-government at civic organizations sa barangay.

Pahayag pa ni Kapitan Briones, nagkaroon din sila ng patimpalak sa abwat purok sa barangay hinggil sa may pinakamalinis at pinamagandang kapaligiran.

Nakaktulong ito aniya para mas mag porsige ang mga mamamyan sa pakikisa sa mga aktibidades ng barangay..

Sa huli ay ninanais ni Kapitan Reil Briones na mas maunawaan ng kanyang mga kabrangagy ang kahalagahan ng pagakakaroon ng malinis na komunidad hindi alng para sa kanila kundi pati na rin sa mga susunod pang henerasyon. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.