Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGLULUNSAD NG SK OLYMPICS PARA SA MGA KABATAAN, IMINUNGKAHI NI KONSEHAL ANACLETO ALCALA III SA SK FEDERATION

Makikita ang tuloy-tuloy na pakikiisa ng mga kabataang Lucenahin sa programa ng pamahalaang panlungsod sa pamamagitan ng mga aktibidades na...

Makikita ang tuloy-tuloy na pakikiisa ng mga kabataang Lucenahin sa programa ng pamahalaang panlungsod sa pamamagitan ng mga aktibidades na inilulunsad hindi lang ng SK Federation kundi pati na din ng bawat sangguniang kabataan sa bawat barangay.

Iba’t ibang programa na mas nagpapamalas ng angking talento at galing ng mga kabataan sa ibat ibang laranagan.

May mga programa rin na nalilinang ang kakayahang mamahala ng mga ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng SK sa mga student leaders sa mga eskwelahan sa kanilang barangay.

Nagsasagawa rin ang mga ito ng coastal clean-up at clean up drive gayundin ang patuloy na pagsusulong ng maayos na pagse-segregate ng mga basura.

Kaugnay nito, upang mahasa naman ang kagalingan ng mga lucenahain pagdating sa larong pampalakasan partikular na ang basketball na isa sa pangunahing nilalaro ng mga mamamayan dito, iminungkahi ni Konsehal Anacleto Alcala III kay Konsehal Patrick Nadera kaisa ang buong SK Fedration, ang paglulunsad ng SK Olympics para sa mga kabataaan.

Hiniling ng Konsehal na maikonsidera ang naturang aktibidad bilang bahagi ng mga susunod pang programa ng pedersayon.

Dagdag pa nito, bagamat mayroong mga inter-purok at inter-barangay basketball tournaments sa mga barangay ay limitado lamang ang mga nakakasali dito dahilan sa mayroon itong age limit.

Ayon pa kay Konsehal Alcala, bukod sa makakatulong ang pagsasagawa ng SK Olympics sa pagpapahusay ng pisikal na abilidad ng mga kabataan, ay possible rin itong maging isang diversion program ng SK Federation para sa mga ito.

Sa pamamagitan aniya ng nasabing Olympics ay mas mahihimok ang mga kabataan na maglaro ng basketball at maiiwas ang mga ito sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sa huli ay pinuri nito ang lahat ng mga naisakatuparan at napagtagumpayan na mga programa ng SK Federation ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.