Sa pagnanais na mas mapanatili ang kaayusan sa lungsod ng lucena, isinagawa kamakailan ang isang pagpupulong para sa pagkakaroon ng mas maa...
Sa pagnanais na mas mapanatili ang kaayusan sa lungsod ng lucena, isinagawa kamakailan ang isang pagpupulong para sa pagkakaroon ng mas maayos na plano at stratehiya sa paglilinis ng mga sidewalks at daanan sa kabayanan.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni city administrator anacleto “jun” alcala jr. Katuwang ang iba pang mga awtoridad na may kaugnayan sa isinasagawang clearing operation kabilang sina jaime de mesa, hepe ng traffic enforcement section; noriel obcemea, hepe ng tfro; noel palomar, city public market administrator at ilan sa mga miyembro ng kapulisan sa lungsod.
Nakiisa din sa pagpupulong sina julie fernandez ng business permit and licensing office, janeth gendrano ng lucena city disaster risk reduction and management office at atty.
Sa naging pahayag ni de mesa, matagal na aniyang isinasagawa ang pagpapakalap ng impormasyon tungkol sa pagbabawal sa mga illegal vendors na magtinda sa hindi tamang lugar alinsunod na din sa city ordinance ngunit, marami pa rin sa mga mamamayan ang hindi nakikinig at sumusunod dito.
Napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong na magsagawa ng pamimigay ng mga pliers sa mga mamamayan partikular na sa mga maninidahan at ang paglalagay ng isang tarpaulin sa mga lugar na pagsasagawaan ng mga clearing operation, na naglalaman ng batas na bawal ang paninidahan sa mga sidewalks, daanan o mga lugar na hindi dapat pagtindahan.
Nilalaman din ng nasabing tarpaulin ang ordinasa ng lungsod hinggil dito at ang mga karampatang multa o parusa kapag lumabag ang isang mamamayan dito.
Ayon naman sa city administrator, bagamat mayroong ilang magagalit sa pagsasagawa ng mga clearing operation tulad nito, higit na mas marami naman aniya ang matutuwa sa pagkakaroon ng maayos na sistema ng pamayanan.
Isa rin kasi sa problemang naidudulot ng mga maninindahan sa bangketa ay ang pagsikip ng daanan ng mga sasakyan na madalas pagsimulan ng trapiko.
Sa huli ay inaasahan na sa pamamagitan ng mga clearing operation na ito ay mamulat ang mga mamamayang lucenahin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na komunidad sa pamamagitan ng kanilang kooperasyon. (Pio lucena/ m.A. Minor)

No comments