Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagsaid ng mga drug ppersonalities sa mga barangay sa lungsod, posibleng mangyari ayon sa lucena pnp

Sa patuloy na pagpapaigiting ng  kampanya ng mga kapulisan laban sa iligal na droga, malaki ang kumpiyansa ng hepe ng lucena pnp na si p/su...

Sa patuloy na pagpapaigiting ng  kampanya ng mga kapulisan laban sa iligal na droga, malaki ang kumpiyansa ng hepe ng lucena pnp na si p/supt. Romulo albacea na hindi magtatagal, bukod sa 8 barangay sa lungsod na naideklara na ng pdea bilang drug-free barangay, masasaid rin ng  kanilang grupo ang mga drug personalities sa lungsod lalo’t higit sa mga barangay na may pinakamaraming sangkot sa iligal na droga.

Ayon sa datos na ipinrisinta ng lucena city police station sa isang pagpupulong kamakailan, lumalabas na sa halos isang daan at tatlumpong operasyong isagawa ng kanilang grupo laban sa iligal na droga, pinakamarami dito ay isinagawa sa brgy. Cotta at brgy. Dalahican.

Ayon kay albacea, marami sa mga residente sa mga nasabing barangay ay dayo lamang mula sa iba’t-ibang lugar  na nagiging dahilan kung bakit marami ang nakakapasok na drug personalities dito.

Dagdag pa nito, sa tulong ng iba’t-ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan partikular na ng  city anti-drug abuse council o cadac na laging kasama ng kanilang ahensya sa kanilang mga proyekto at operasyon laban sa iligal na droga  ay tinitiyak ni albacea na hindi titigil ang kanilang grupo sa pagsugpo sa nasabing problema.

Ikinatutuwa rin ng hepe ang kooperasyon at pakikiisa ng mga opisyales ng bawat barangay at ng mga residente na hindi natatakot makipag-ugnayan at makipagtulungan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tip at mga impormasyon hinggil sa mga drug personalities sa kani-kanilang mga komunidad.

Umaasa ang grupo ng  lucena pnp na sa pamamagitan ng pinagsamasamang pwersa ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan,mula sa 8 barangay na nauna nang idineklara ng philippine drug enforcement agency o pdea  bilang drug free barangay, hindi magtatagal kikilalalnin  na rin ang buong lungsod ng lucena bilang isa sa mga drug-free cities sa buong bansa. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.