Ang Barangay Dalahican ay nabibilang sa Coastal Area sa lungsod ng lucena at isa rin sa nagiging problema dito ay ang Basura na napapadpa...
Ang Barangay Dalahican ay nabibilang sa Coastal Area sa
lungsod ng lucena at isa rin sa nagiging problema dito ay ang Basura na
napapadpad sa baybayin dagat at ilang mga residente.
Bilang SK Chairman ay isang programa ay aming gagawin upang
makatulong ang mga kabataan sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran sa
amin lugar lalo’t higit sa mga malapit dagat.
Ito ang ilan pa sa binanggit ni Rafael Echano SK Chairman ng
nasabing barangay sa naging panayam ng TV12 dito Kamakailan.
Ayon kay Enchano, ang kanilang programa ay inihain na niya
sa sangguniang barangay at ito ay ang pagkakaroon ng Coastal Clean-Up.
Na ayon dito ay kanilang gagawing dalawang beses sa isang
buwan.
Sinabi naman ni SK Chairman Enchano, na buo naman sinuportahan
ang kaniyang panukala ni Kapitan Roderick Macinas at ng bumubuo ng sangguniang
barangay Dalahican.
Ang programa na malinis nila ang tabing dagat sa kanilang
lugar.
Layunin ng aktibidad ay upang maiiwas ang kanilang
kabarangay sa anuman sakit na dala na magmumula sa basura.
at maging kaaya-aya ang baybayin dagat sa mga mamamasyal
dito. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments