Ang pamahalaan panlungsod ay patuloy sa pamamaraan para mapanatili at maging malinis ang kapaligiran ng lungsod ng lucena. Kaya naman is...
Ang pamahalaan panlungsod ay patuloy sa pamamaraan para mapanatili at maging malinis ang kapaligiran ng lungsod ng lucena.
Kaya naman isang programa ang inilunsad kamakailan sa pangunguna ni mayor roderick “dondon” alcala at ito ay ang solid waste managemet act o ra 9003.
At dito ay patuloy ang isinasagawang seminar sa ilang mga sektor ng lipunan dito sa lungsod ng lucena sa pamumuno ni rosie castillo oic ng city general services office at chairman on environmental protection and management na si senior councilor anacleto alcala iii.
Sa panayam ng tv12 kay konsehal third alcala kamakailan ay sinabi nito na isang napakahalagang pagising sa mamamayang lucenahin ang nasabing programa.
Ayon kay alcala, alam naman aniya natin kung ano ang magiging epekto ng basura sa atin.
Ayon pa sa butihin konsehal, kapag may di inaasahang bagyo na dumarating ay nagkakaroon ng pagbaha sa ilang lugar sa lungsod dulot ng pagbara ng a basura sa ilang mga drainage.
Dagdag pa nito na sa pagbahang ito ay nagkakaroon ng komplekasyon sa ating kalusugan dahil sa nanggagaling sa sakit buhat sa basura.
Sinabi ni konsehal third alcala, na sa ibang lugar ay nagkakaroon ng epedimia tulad ng leptospirosis.
Idinagdag pa ng chairman ng environmental protection and management dito sa lungsod ang pagkakaroon ng naturang sakit ay galing sa basura.
At upang mapigilan ang mga ganitong pangyayari ay kailangan mamanage ng maigi ang basura sa bawat tahanan, opisina, paaralan sa pagsesegregate para hindi magkaroon ng nasabing sakit.
Samantalang sinabi naman ni coucilor alcala, na isa ang programang solid waste management ng pamahalaan panlungsod na hakbangin upang maabot ang layunin ni mayor dondon alcala na sa taon 2025 ay magkaroon ng zero waste o mawala na ang basura sa lungsod ng bagong lucena. (Pio-lucena/ j. Maceda)

No comments