by Nimfa L. Estrellado Straight Talk August 11, 2018 Screenshot from the "pepe, dede infomercial" video. Pinag-iinitan naman ng mg...
Straight Talk
August 11, 2018
Screenshot from the "pepe, dede infomercial" video. |
Pinag-iinitan naman ng mga moralista ngayon si Communications Assistant Secretary Mocha Uson at kaibigan nitong si Drew Olivar dahil sa kontrobersiyal na “pepe, dede infomercial” tungkol sa pederalismo, pati mga senador, dismayado bastos daw.
Ayon kay dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, hindi niya akalain na bababuyin ni Uson ang kampanya ng pederalismo na matagal na ring isinusulong ng kanyang amang si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.
Ano nga ba ang kinalaman ng maseselang bahagi ng katawan ng babae sa usapin ng pederalismo Mocha? Sagot?!
Isang desperadong hakbang talaga para lamang makaagaw ng atensiyon ang pederalismo. Walang puwang sa isang matinong diskusyon ang nasabing video lalo pa’t mahalaga at importanteng isyu ang pinag-uusapan.
Ano to Mocha panghatak sa masa kasi alam mong s*x sells? Galawang p*kpok lang? Hindi mo ba alam na sa populasyon ng Pilpinas, mas marami ang kabataan? Hindi na nga maituro ang tamang prinsipyo at magandang asal sa mga kabataan puro kababuyan pa ang ginagawa ng pangulo at ibang opisyal sa gobyerno. Isama pa dito ang kaliwa’t kanang insidente ng panghahalay.
Ang matinde matapos batikusin ng mga senador ang ‘Pepedederalismo’ video ni Mocha mali na nga ang ginawa siya pa itong may ganang magalit.
Hindi nakapagtataka na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala naman daw masama sa kontrobersyal na viral video ni Asec. Uson, “Birds of a feather flock together” di ba? Parehong balahura.
Mocha Uson has long crossed the line. But people in high places have always let her off the hook without so much as a slap on the wrist due to “utang na loob” which is being so grossly misused at the nation’s expense. Or could rumors be true that she is privy to highly classified damaging information on certain people in high places which is why she is seemingly untouchable despite all her mortifying blunders?
At any rate, it is sooo unfortunate for us taxpayers that we are shouldering her salary as a supposed nonpolitical government official who is expected to serve the best interest of the majority of the Filipino nation, and not to fanatically defend the president and barbarically attack all critics of the administration which as it is are ignominiously her main, nay, her only preoccupation. Fire Mocha!
No comments