Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pinaplanong programang pangkabuhayan para sa mamamayan ng barangay talao-talao, inilahad ni kapitan reil briones

Isa sa mga pangarap ko sa aking mga kabarangay ay ang mabigyan sila ng mga programang pangkabuhayan, ito ang naging pahayag ni kapitan reil...

Isa sa mga pangarap ko sa aking mga kabarangay ay ang mabigyan sila ng mga programang pangkabuhayan, ito ang naging pahayag ni kapitan reil briones sa naging panayam sa kanya ng tv12 kamakailan.

Kaugnay nga nito ay nakipagugnayan na aniya ang sangguniang barangay ng talao-talao sa department of social welfare and development upang tulungan sila sa pagkakamtan ng kanilang programang pangkabuhayan para sa mga mamamayan sa ilalim ng sustainable livelihood program ng dswd.

Ayon kay briones, kanyang iminungkahi sa mga ito ang plano nilang gawing livelihood program na pagtutuyo ng mga isdang baliwis. Ito ay dahilan na din sa madaling makakakuha at matatagpuan lang sa kanilang barangay  ang mga raw materials na ito bilang sila ay naninirahan sa tabing dagat at gayundin ay dahilan sa dating hanapbuhay ng mga mamamayan ang pagtutuyo ng baliwis na kanilang ibenebenta sa merkado.

Ang nasabing  proposal aniya ay kasalukuyang tinatapos ang proseso ng dswd at kamakailan nga lang sa naging pag-uusap nila ni levi aderez, pdo-ii ng slp lucena city na mayroon na ang slp na inaasahang magiging benipesyaryo ng programa na nasa labing apat at karamihan sa mga ito ay kababaihan.

Isa pa sa mga pinaplano nilang  livelihood program ay ang paglilinang o pagcuculture ng mga alimasag dahilan sa matatagpuan din angmga raw materials na ito sa kanila mismong pamayanan.

Ang malilit na mangingisda sa  barangay na pumapalaot at nakakahuli ng maliliit na alimasag na hindi naman maaari pang ipagbili ay ilalagay nila sa isang tangkal o kulungan upang doon palakihin.

Mayroon na din aniya silang ready market na nakahandang bumili sa mga alimasag pagdating ng panahon na ito ay malaki na.Tinatayang nasa dalawampung katao naman ang maaaring maging benipesyaryo nito.

Dagdag pa ni briones, ang pinakang counterpart naman aniya ng pamahalaang barangay dito ay ang makapagpatayo sila ng isang center para dito, na maaaring pagdausan ng mga pagpupulong na kinakailangan nilang isagawa.

Ibinahagi din ni briones ang iba pang mga programang pangkabuhayan na napagkakaloob sa mga mamamayan ng barangay talao talao tulad ng paggagawa ng mga bangka na yari sa fiber glass na ang isa sa mga gumagawa ay ang mga nasa natatanging sektor.

Iba’t ibang programa pero iisa ang layunin at ito ay ang mas matulungan pa ang lahat ng mamamayan sa kanilang barangay, patuloy din naman aniya ang pagsusumikap ng pamahalaang barangay sa pagsasakatuparan ng lahat ng mga proyektong ito sa tulong na din ng pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni  mayor dondon alcala. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.