Upang mas lalo pang mapabuti at maging kaaya-aya sa paningin ng mga residente sa kanilang lugar, isa sa mga ninanais ni brgy 1 chairwoman h...
Upang mas lalo pang mapabuti at maging kaaya-aya sa paningin ng mga residente sa kanilang lugar, isa sa mga ninanais ni brgy 1 chairwoman herminia abuel na pagtuunan sa kaniyang panunungkulan ay ang problema sa basura sa kanilang barangay.
Sa eksklusibong panayam ng tv12 sa kapitan ng brgy. 1 Na si herminia abuel, isa sa mga nais nitong paigtingin ay ang nasimulang proyekto hinggil sa kalinisan kung saan buwanbuwan ay nagsasagawa ng operation linis sa kanilang komunidad.
Dagdag pa ng kapitana, kaisa nila sa naturang aktibidad ang mga opisyales ng barangay, miyembro ng sangguniang kabtaan, mga brgy. Tanod, ilang mga drug surrenderees, at mga volunteers.
At bilang ina ng kanilang barangay, ipinakikita nito sa kaniyang nasasakupan na mismong sa kaniya nagsisimula ang paglilinis sa kanilang lugar upang maging halimbawa na rin ito sa iba pa.
Sa ganitong paraan rin aniya ay mas madaling mahihikayat ang mga residente ng brgy 1 na magsegrega o maghiwa-hiwalay ng kanilang basura upang mas madali itong makuha ng mga garbage collectors na umiikot sa kanilang lugar.
Batay naman sa mga reklamong natatanggap ng kanilang opisina hinggil sa mababaho at nagkalat na basura sa mga pick-up points sa kanilang lugar, sinabi nitong agad nila itong inaaksyunan sa pamamagitan ng paglilinis dito at pagtawag sa mga kinauukulan upang agad na mahakot ang mga nakatambak na basura.
Sa huli ay nanawagan si abuel sa lahat ng kaniyang mga kabarangay na tumulong sa paglilinis sa kanilang lugar at simulang gawin ang waste segregation sa loob ng kani-kanilang mga tahanan nang sa gayon bukod sa malinis at kaaya-ayang komunidad, makaiiwas rin ang mga residente ng brgy. 1 Sa anumang uri ng sakit na dulot ng mga basura.(Pio lucena/c.Zapanta)

No comments