Sa kagustuhang mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo, magandang balita ang hatid ng philippine health insurance corporation hindi lang pa...
Sa kagustuhang mas mapaganda pa ang kanilang serbisyo, magandang balita ang hatid ng philippine health insurance corporation hindi lang para sa mga miyembro nito kundi para na rin sa mga mamamayang wala pang health insurance sa pamamagitan ng point of service o pos program enrollment nito.
Kalimitan umanosa pangunahing iniinda ng mga nagkakasakit at naoospital ay ang kawalan ng health insurance o di kaya nama’y pagkaligta sa pagbabayad nito. Bagay na ikinokonsidera at nagbibigay ng agam-agam sa isang tao bago magpagamot at magpa-ospital. Problemang binigyan na ng solusyon ng philhealth at ng pamahalaan sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa ilalim ng general appropriations act ng 2018 para sa pos na siyang programa ng pamahalaan na naglalayong mabigyan ng proteksyong pinansyal ang lahat ng pilipino laban sa magastos na pagkakasakit, lalo’t higit ang mga mahihirap o mga taong walang kakayahang makapagbayad ng kanilang kontribusyon sa philhealth.
Sa pamamagitan ng pos, makatitiyak na agad na mabibigyan ng benepisyo ng philhealth ang bawat pilipino na na-oospital at kinakailangang magpagamot , maging ito ay hindi miyembro o miyembro na walang kaukulang kontribusyon.
Ayon pa sa pamunuan, maari ang mga miyembrong magbayad ng isang taong kontribusyon habang naka-confine ang pasyente upang makagamit ang mga benepisyong handog ng philhealth.
Ang pos ay makakamtan sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa kung saan ang pasyente ay sasailalim sa assessment ng medical social welfare officer o social welfare development officer sa loob ng 3 araw o 72 oras ng confinement ng paseyente o di kaya ay bago ito madischarge upang malaman ang kanilang kalagayang pinansyal.
Maaari ring magamit ang pos sa mga pribadong ospital kung mayroong referal na manggagaling sa pampublikong ospital.
Kung wala naman umanong kapasidad na makapagbayad ng kontribusyon sa philhealth, ang mga naospital ay gagawaran ng philhealth covergae.
Wala rin umanong babayaran ang pasyente makaraang maibawas ang benepisyo sa kanilang kabuuang hospital bill dahil naman sa no balnce billing o wlang dagdag bayad policy ng philhealth.
Ngunit nais na ipaalala ng pamunuan sa mga miyembro ng philhealth na hindi nagtatapos sa ospital ang nasabing proseso sapagkat isasama pa ang mga itoi sa talaan ng department of social welfare and development o dswd kung saan ang lahat ng kabilang dito ay awtomatikong ginagawaran ng philhealth coverage taon-taon bilang indigent members.
Bukod sa pos, idinagdag ng philhealth ang pagtatayo ng malasakit centers sa lahat ng mga pampublikong ospital sa bansa upang pag-isahin na sa isang one stop shop ang lahat ng kinakailangang financial and medical assisitance mula sa philheath , department of health, dswd, philippine charity sweepstakes, at philiippine amusement and gaming corporation. (Pio lucena/c.Zapanta)

No comments