Higit 80 na mga pet owner kasama ang kanilang mga alagang aso na kabilang sa small, medium, large at asong Pinoy na kategorya ang naki...
Higit 80 na mga pet owner kasama ang kanilang mga alagang aso na kabilang sa small, medium, large at asong Pinoy na kategorya ang nakiisa sa isinagawang ikalawang Dog Show sa Niyogyugan Festival 2018 na ginanap sa Perez Park, Block 3 nitong ika-12 ng Agosto.
Maliban sa fun match at talent show, nagsagawa rin sa nasabing kaganapan ng isang fashion show kung saan ibinida sa festival wear category ang mga kasuotang gawa sa niyog na suot ng mga alagang aso ng mga nakilahok. Sa parehong araw ay nagsagawa rin ang nasabing tanggapan ng libreng veterinary medical mission.
Nagpasalamat si Provincial Veterinarian Flomella Caguicla sa mga nakilahok sa programang ito ng pamahalaang panlalawigan at ng kanilang tanggapan. Aniya, naging malaking bahagi ng tagumpay ng ikalawang taon ng dog show ay ang mga aktibong pakikiisa ng mga pet owner sa lalawigan.
“Salamat po sa inyong lahat na mga responsible pet owners at sa inyong pakikilahok at pakikipagdiwang sa aktibidad na ito. Sana ang adbokasiya natin ng responsible pet ownership ay hindi lamang sa ating sarili ngunit pati na rin sa ating mga kababayan.” ayon kay Dra. Caguicla.
Ayon pa kay Caguicla, layunin ng pamahalaang panlalawigan na sa pamamagitan ng ganitong uri ng patimpalak ay mahikayat pa ang bawat Quezonian na maging isang responsible pet owner. Alinsunod ito sa patuloy na hangarin ng pamahalaang panlalawigan na maging Rabies-Free ang lalawigan ng Quezon.
“Ang responsible pet ownership ang susi para tuluyang mawala ang rabies sa lalawigan at sa bansa. Tandaan natin na ang pag-aalaga ng aso ay hindi karapatan, ito ay isang responsibilidad.” pagtatapos ni Dra. Caguicla. (Quezon – PIO)
No comments