Ang pagbisita ni Special Assistant to the President Bong Go sa Teachers’ Convention sa Quezon Convention Center (Photo by Quezon PIO) b...
Ang pagbisita ni Special Assistant to the President Bong Go sa Teachers’ Convention sa Quezon Convention Center (Photo by Quezon PIO) |
by Nimfa L. Estrellado
LUCENA CITY – Ayon sa pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS), angat na si Special Assistant to the President (SAP) CHRISTOPHER LAWRENCE “Bong” Go at siyang nangunguna sa listahan ng mga senatoriables nitong nakalipas na linggo.
Base sa naturang survey, kung sa ngayon isasagawa ang election, topnotcher na si Go.
Ang nasabing survey result ng SWS ay halos kapareho ng naging resulta ng isa ring survey na isinagawa naman ng University of Mindanao’s Institute of Popular Opinion (UM-IPO) kung saan 76 percent ng Davao City residents ay boto kay Go.
Hindi lamang naman ang mga surveys ang nagsasabi na talagang top bet para sa Senado si Go, kundi mismong ang reaksyon ng mga tao na nakakasalamuha nito kahit saan siya magtungo.
Noong nakalipas na Agosto 15, 2018, si SAP GO ang naging panauhing pandangal sa ginanap na Annual Teacher’s Convention sa Lunsod ng Lucena, Lalawigan ng Quezon. Libo-libong mga guro ang dumalo at pinagkaguluhan ang ayon sa kanila ay “guwapo” palang si SAP GO.
Sumusumpa ang mga guro na iboboto nila si Go sa pagka-senador sa susunod na taon.
Sa lunsod ng Lipa, Batangas at iba pang mga bayan dito, inip na sila at talagang hinihintay, inaabangan ang pagdalaw ni SAP GO, na ayon sa multi-awarded City Mayor dito, Hon. MEYNARD A. SABILI, ay magiging panauhing pandangal sa kanyang isasagawang State of the City Address (SOCA) sa Setyembre 14, 2018.
Ayon din sa mga Lipeño na nakausap ng sumulat nito si GO ang number one senador na iboboto nila sapagkat hindi pa man ay napakarami na nitong natutulungan at napaglilingkuran.
“Si SAP Bong Go? Okay yan. No. 1 yan sa akin. Magaling na, matino pa, tulad ng ating Mayor Sabili,” pahayag ni Mam Salie Lina, isang guro sa Tambo Elementary School, Lipa City.
Sa lahat ng ito, buong kababaang-loob na nagpahayag si SAP GO, “Malayo pa (ang 2019 election), pero thank you po sa mga Davaoeño, sa mga Lucenahin-Quezonian, sa mga Lipeño-Batangueño, sa inyo pong lahat, sa pagtitiwala ninyo sa amin, sa akin. Mas nakakataba ng puso. Lalo po kami magsisikap sa aming trabaho.”
No comments