Si Lucena City Brgy Kapitana Edith Carurucan, Obeth Durante, Sk Chairwoman Kathleen Joy Durante at Kgwd Basil Garcia sa isinagawang Medic...
Si Lucena City Brgy Kapitana Edith Carurucan, Obeth Durante, Sk Chairwoman Kathleen Joy Durante at Kgwd Basil Garcia sa isinagawang Medical and Dentel mission sa barangay 4 kamakailan. |
by Allan P. Llaneta
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Higit sa 100 indibidwal ang nakinabang sa kauna unahang programa nang Sangguniang Kabataan nang barangay 4 sa lungsod ng Lucena kamakailan.
Sa personal na panayam nang ST kay SK Chairwoman Kathleen Joy Durante, sinabi nito na nakatutuwang sa kabila nang wala pa silang pondo dahi hindi pa sila pinapayagan nang pamahalaan ay naging matagumpay naman ang kanilang kauna-unahang aktibidad sa baranggay.
Sa tulong umano ng brgy council, mga sk official, lokal na pamalaan ng Lucena at nang organisasyon nang Pugad Lawin ay marami ang naserbisyuhang mga taga barangay.
Ang pamamahagi nila nang gamut sa mga naCheck up, libreng bunot nang ngipin at libreng masahe mula sa mga estudyante nang LMSTC ay ikinatuwa nang mamamayan nang barangay 4.
Samantala nagsagawa rin nang feeding sa mga kabataan at senior citizen kasabay nang nasabing aktibidad.
Ayon sa magulang ni Kathleen na si Mr Obeth Durante, ang feeding program ay nasa 6 years na niyang ginagawa sa kabataan sa barangay 4 para naman makatulong sa mga batang malnourish sa barangay at kasiyahan na rin umano sa kanya na makapagpasaya sa mga musmos.
Labis naman ang pasasalamat ng mga naserbisyuhan sa naturang aktibidad.
No comments