Halos isang buwan na ang nakakalipas ng paglilingkod bilang punong barangay si roderick macinas ng barangay dalahican. Kamakailan ay bini...
Halos isang buwan na ang nakakalipas ng paglilingkod bilang punong barangay si roderick macinas ng barangay dalahican.
Kamakailan ay binisita ng tv12 ang barangay chairman sa kaniyang tanggapan upang kumustahin ito.
Nabanggit ni chairman macinas, naging maganda naman ang unang araw ng kaniyang panunungkulan hanggang sa kasalukuyan.
At maayos naman na naiturn-over sa kaniya ang lahat na dokumento ng naturang dating opisyal ng barangay.
Ayon kay macinas, sa kanyang panunungkulan ay ilan sa kaniyang pagtutuuan ng pansin sa lugar ay ang peace ang order at social services tulad ng financial assistance at medical assistance.
Ayon dito dati rati aniya ay medyo nagkaroon ng kakulangan sa medical assistance para sa mga kabarangay, kung kaya naman ay isa ito sa kaniyang tututukan pagdating sa social services.
Dahilan sa ang kalusugan ng mga nakatira sa kanilang barangay ay kaniyang pangangalagaan lalo na ang mga nakatatandang sektor ng lipunan, mga buntis at mga kabataan sa lugar.
Pagdating naman aniya sa peace and order ay kaniya rin itong pag-uukulan ng pansin.
Sapagkat medyo napabayaan rin ito noong mga nakaraan kung kaya naman ay gagawa sila ng plano upang mas lalo pang mapaigting ang kapayapaan sa kanilang lugar at lalo na ay ang paglaban sa ilegal na droga. (Pio-lucena/ j. Maceda)

No comments