Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SUBUKAN MO LANG! – 1

Tilamsik ng Diwa by Ace C. Fernandez Is dat you? No, Hindi! Ah, ok Ur CP No. is…. ding numero ng iyongcellphone ay ito nga ba? Dehins ...

Tilamsik ng Diwa
by Ace C. Fernandez

Is dat you? No, Hindi! Ah, ok Ur CP No. is…. ding numero ng iyongcellphone ay ito nga ba? Dehins yan...ano nga ba?

Marami tayong naririnig ng mga salitang hinango sa wikang Pilipino, nakadalasan ay di rin lubos na naiitindihan tulad ng ano ba ang ating pagiging Pilipino. Sa makabagong panahon, tila di masyadong pinapahalagahan ng mga Pilipino ang Wikang Pilipino na sumasalamin sa kung paano hindi na lubos na pinapahalagahan ang ating pagiging Pilipino.

Kalimitan, o di man kadalasan ay parang nahihiya na ang ibang mga Pilipino na gamitin ito. Halimbawa ay sa bahay ng.

mga burgis o mayayaman, tila mas gusto nilang gamitin ang salitang Ingles sa kanilang pag-uusap o sa simpleng pagkakape sa kanilang libing rum, maririnig mo sa kanila na 90% sa kanilang daluyan ng kwento ay ginamitan ng kanilang wikangkanilang kinasanayan na gamitin, dahil ito ang kanilang kinamulatan. 2% na lang ang natitirang tagalog at ito ay ng tawagin ang kanilang putanginang muchacha, katulong, labandera, drayber, gwardya, hindi nagpapahuli sa kanilang sariling estayl ay sosyal na rin kung pumorma sa pagsasalita. Kahit mali-maling grammar at letra, go na rin, walang paki kung masakit sa tenga, ang mahalaga eh naka-inglesang kumag na hindi nya alam ay ipinagkakanulo siya nito dahil obyus naman naamoy basura ang lumalabas sa kanyang dila.

Silipin natin ang mga estudyante sa mga paaralan ng mga mayayaman, aba,syempre, ingles ang kanilang lingwahe, kase, doon sila komportable at ang wikang Pilipino o tagalog ay estranghero na sa kanila, yaks ang chip mo day ang biro pag nagsalita ng Pilipino ang isang kaklase.

Pero, teka, tingnan natin ang mga escolar ng bayan, mga mag-aaral sa States Universities and Colleges, baka mainam natin silang mapakinggan kung ano ang kanilang ginagamit. Baka may pag-asa tayo dito? What? You mean…., Fuck you! What’s up men! Come on…. Pain ka sa amin bro! Ano ito? Totoo ba itong ating naririnig? Parang nasa Western World ka pala pag sila ang na pakinggan mong nag-uusap. Aba ay parang wala na tayong pag-asa sa ating wika, ang wikang sumasalamin sa ating pagiging Pilipino.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.