Tilamsik ng Diwa by Ace C. Fernandez Tila nilamon na tayo ng kaisipang banyaga na pati ang ating sariling wika ay nakuha na rin, parang S...
Tilamsik ng Diwa
by Ace C. Fernandez
Tila nilamon na tayo ng kaisipang banyaga na pati ang ating sariling wika ay nakuha na rin, parang Spratley sa South China Sea, parang Scarborough Shoal, parang Skilled Filipino Workers, parang mga Filipino Professionals na kinuha ng ibang mga bansa upang doon ay gamitin nila ang kanilang talent, upang paglingkuran ang mga banyaga.
Susmarya, eh saan na ba talaga pupunta ang ating wika? Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino, Wika ng Saliksik” ay naglalayon na palaganapin ang Filipino sa iba’t-ibang larangan ng karunungan lalo na sa agham at matematika. Para daw ang Wikang Pilipino ay maging Wika ng Karunungan at di lamang magamit sa mga tsismisan, kundi ito ay dapat gamitin sa mga seryosong usapan, sa mga pormal na diskusyon, at sa pormal at matataas na uri ng pagsulat ayon sa Komisyon sa Wikang Pilipino (KWF).
“Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, inilahad ng tagapangulo ng KWF ang mga pagpupursige ng ahensya upang isulong at paigtingin ang kamulatan naging mga Pilipino sa pag-papahalaga sa ating sariling wika, ang Filipino.
Pinagsikapan ng KWF sa mga nakalipas na panahon ang mga estratehiya upang itaas ang kamulatan sa paggamit, pagmamalasakit, pagmamalaki at pagmamahal sa Wikang Filipino sa araw-araw na pamumuhay at maging sa mataas na antas ng karunungan at pananaliksik.Kung ganun, may pag-asa pa tayong wag tuluyan kalimutan ng mga Pilipino ang Wikang Filipino na mismong si Dr. Jose P. Rizal ang nagsabing “higit pa sa hayop at malansang isda” ang sinumang tatalikod sa ating sariling wika?
Pero, masdan mo ang ating mga sarili, sa pagkaunti-unting pagkakalamon sa wikang banyaga sa wikang Pilipino ay naglalarawan ito sa ating kahinaan ng pagpapahalaga sa wikang sarili.
Di nyo ba napapansin saan mang panig ng mundo na ang mayayamang bansa ay labis ang kanilang pagmamalaki sa kanilang wika.
Taas noo silang ginagamit ito sa negosasyon, negosyo at politika sapagkat ito ay sumisimbulo ng kanilang lahit at kung ano mga bagay ang meron silang dapat ipagmalaki.
Mga kababayan at kapwa ko Pilipino ang Linggo ng Wika ay muling narito at ito ay magandang pagkakataon na suriin ang ating sarili kung totoong nagmamahal pa ba tayo sa ating sariling wika, o itinatanggi mo na nilamon ka narin ng wikang banyaga. Subukan mo lang na ipagmalaki mo ito at sasabihin mo rin ang iyong sarili na kaya mong namnamin ang bawat salitang Filipino na lalabas sa iyong dila at subukan mo ring pakinggan ang ating kapwa Pilipino upang iyong mapagtanto kung hindi pa ba sila nakakalimot sa ating wikang Pambansa.
Subok lang, walang masama…

No comments