Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Tanggapan ng city people’s law enforcement board, nagbigay paalala sa mga barangay officials

Idinaos kamakailan ang isang seminar para sa enhancement ng community mobilization para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungs...

Idinaos kamakailan ang isang seminar para sa enhancement ng community mobilization para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod sa pangunguna ng tanggapan ng city people’s law enforcement board.

Dito tinalakay ang usapin tungkol sa republic act 6975 o ang batas na tumutukoy sa patakaran ng estado na itaguyod ng kapulisan ang pagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad, tiyakin ang kaligtasan ng publiko at higit na mapalakas ang kakayahan ng lokal na pamahalaan patungo sa epektibong paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang mataas na mabisa at mapagkumpetensyang puwersa ng kapulisan.

 Alinsunod dito, nagbigay paalaala ang hepe ng city pleb na si atty. Lualhati martinez sa mga barangay chairman sa lungsod. Ayon sa kanya kung mayroon mang pagkakataon na may magsasabi sa kanila ng hinaing at reklamo hinggil sa paglabag sa republic act 6975, ay kanila na itong samahan papunta sa kanilang tanggapan.

Ito ay upang malaman mismo ng pleb ang  tunay na kaganapan at pangyayari at kung ito ba ay maaaring ikaso sa sangkot sa pamamagitan ng kanilang pagsusuri at pag-aanalisa.

Dagdag pa ni martinez, hindi aniya lahat ng reklamo ay maaaring isampang demanda, depende pa rin ito sa nilalaman ng hinaing. Pinapaalam din ng pleb sa mga complainant ang pros and cons ng isangkaso.

Sa huli ay inilahad nito na ikinakatuwa nila ang mababang bilang ng mga reklamo ng mga mamamayan sa lungsod dahilan sa ito ay nagpapakita lamang na sa kasalukuyan ay may magandang samahan at relasyon ang kapulisan sa komunidad. (Pio-lucena/ m.A. Minor)



No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.