Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Totoong pagbabago, hinahangad ni cadac head francia malabanan para sa mga nagsipagtapos sa programang sipag

Kasabay ng pagtatapos ng nasa mahigit sa apat na daang katao na drug surrenderees sa programa ng lucena pnp na sipag ay ang pagbibigay ng m...

Kasabay ng pagtatapos ng nasa mahigit sa apat na daang katao na drug surrenderees sa programa ng lucena pnp na sipag ay ang pagbibigay ng mensahe ng hepe ng city anti-drug abuse council na si francia malabanan.

Ayon kay malabanan hinahangad niya at ng pamunuan ng lucena pnp na tuloy-tuloy na ang totoong pagbabago ng mga ito at hindi na muling masasangkot pa sa anumang anomalya hinggil sa illegal na droga.

At katulad aniya ng sinabi ng hepe ng lucena pnp na si psupt. Romulo albacea, na ang pagtatapos nila ay simula pa lamang ng kanilang pagbabago.

Biro pa ni malaban na kung ang pag-ibig nga ay may pangalawang pagkakataon, mamamayan pa kaya na nais magbago para sa kanilang sarili at sa kanilang mahal sa buhay.

Nauna rito ay binati ni malabanan ang mga nagsipagtapos sa sipag sapagkat nakatugon sila sa mga karampatang requirements na kinakailangan.

Iginiit din nito na ang mga sertipikong nakamtan nila sa pagtatapos ay isang patunay sa hakbangin nila na pagbabago at hindi lisensya aniya para bumalik muli sa maling gawain.

Ayon pa kay malabanan sa kasalukuyan aniya ay nais na nilang itawag sa mga ito ay hindi na mga surrenderees kundi mga volunteers na dahilan sa gusto nilang maging kabahgai ang mga ito sa anumang kaunlarang maaaring maganap sa kani-kanilang barangay at sa lungsod ng lucena.

Nagpasalamat din ito sa mga tumulong sa kanila para maisakatuparan ang katagumpayan ng programa kabilang ang mga pastor na maituturing aniya na mga buhay na bayani sapagkat ang mga ito ay boluntaryong tumulong at umagapay sa kanila at sa mga surrenderees.

Gayundin ay nagpasalamat ito sa mga barangay officials na nakikiisa sa iba’t ibang programa ng kapulisan at ng pamahalaang panlungsod.

Bagamat napakarami aniya ng kanilang responsibilidad sa sangguniang barangay ay hindi sila nagdadalawang isip na suportahan ang kanilang mga kabaranagy na naligaw ng lanadas ngunit nais magbago.

Sa huli ay inaasahan ang tuloy-tuloy pa ring pagsasagawa ng programang sipag para sa mga mamamayan na sangkot sa ipinagbabawal na gamut. (Pio-lucena/ m.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.