Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TREE PLANTING ACTIVITY NG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY ILAYANG DUPAY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

“Tanim at punla sa aming nayon… pagpupugay sa ating bayaning si Manuel Luis Quezon… tagumpay ng Ilayang Dupay at ng lungsod ng Lucena simul...

“Tanim at punla sa aming nayon… pagpupugay sa ating bayaning si Manuel Luis Quezon…

tagumpay ng Ilayang Dupay at ng lungsod ng Lucena simulan natin ngayon”.

Ito ang naging tema ng idinaos kamakailan na tree planting activity ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Dupay sa pamumuno ni SK Federation President, Councilor Patrick Nadera.

Ang naturang aktibidad ay ginanap sa Barangay Ilayang Dupay na kung saan ay tulong tulong na nagtanim ang mga SK officials at mga mamamayan ng nasabing barangay ng mga fruit-bearing trees tulad ng guyabano at kalamansi.

Nakiisa rin sa pagtatanim ang mga guro, magulang at mga magaaral ng Ilayang Dupay Elementary School.

Ang nasabing gawain ay bilang pakikisa na rin ng sangguniang Kabataan sa pagdiriwang ng ika isang daan at apat na pong kaarawan ni dating pangulong Manuel Luis Quezon.

Matatandaang kamakailan lang ay nag-alay rin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng mga bulaklak sa bantayog ni Manuel Quezon na matatagpuan sa barangay Ilayang Dupay bilang paggunita rin sa nabanggit na selebrasyon.

Matagumpay namang naisakatuparan ang pagtatanim sa tulong na rin ng City Agriculturist office sa pangunguna ni Melissa Letargo.

Sa huli ay nagpasalamat si Nadera kaisa ng buong sangguniang kabataan, sa Pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala para sa patuloy nitong pagsuporta at pag agapay sa lahat ng mga programa hindi lang para sa kanilang barangay kundi sa patuloy na pag-unlad ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.