by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kabila- kabilang operasyon ng kapulisan para sa anti-drug campaign ng loc...
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kabila- kabilang operasyon ng kapulisan para sa anti-drug campaign ng local ng pamahalaan, isa na namang tulak ng droga ang nahuli sa pinagsanib na pwersa ng Lucena PNP- DEU, PDEU at PDEA-4a –Quezon. Ang Suspek ay si Chino Lastimada Novesteras @ China. Nangyari ang nasabing buy bust operation dakong alas kwatro bente (4:20 p.m) ng hapon , kahapon August 1, taong kasalukuyan sa Purok 2, Barangay Bocohan, Lucena City – Pinangunahan ng Quezon PDEU sa pamumuno PSI Romar Pacis – ang Deputy ng PDEU base sa PDEA Control no. 10005-082018-0036.
Nakuha ang walong (8) sachet ng shabu na tinatanyang may timbang na 21 gramo na nagkakahalagang 38, 850 Php. , isang 1000 php.peso bill na ginamit bilang mark money ito ay ayon kay Psupt. Norman T. Rañon, ang hepe ng Quezon- PDEU.
Samantala, ang kampanya laban sa illegal na droga ay isa sa mga pangunahing programa ng bagong halal na PPLB President Hon. Ereneo “Boyong” Boongaling katuwang ang kasalulkuyang PPLB President at nahalal na Vice President ng nasabing Liga na si Hon. Ferdinand “Ferlou” Q. Llamas II. Kilala si Llamas na isa sa mga halal na opisyal na matinding lumalaban sa illegal na droga dahil ayon dito kailangang sugpuin ang masamang epekto ng shabu na sumisira sa buhay ng maraming mamamayan at pamilya.
With Reports: @ la liga Pilipinas.

No comments